KABANATA 46

5.5K 305 49
                                    

Completely dumbfounded, I watched my mother leave. What else can I do?  What would you do kung nangyari sa 'yo? Anong gagawin mo kapag bigla na lang sumambulat sa mukha mo ang mga bagay na ni sa imahinasyon mo'y hindi man lang dumako?

Seriously. Would you have better options in mind if you're in my shoes? What's the better way to act and react after you've realized that the most significant things you thought you have doesn't belong to you after all? Would it be a big deal for your kung malaman mo na 'yung Tatay na kinikilala mo'y hindi mo naman pala tunay ama, at ang ina na pangunahing nagbigay sa 'yo ng liwanag ay nasasadlak naman pala sa kadiliman? Sa palagay mo? Anong klaseng liwanag mayro'n ang isang ilaw ng tahanang pundido naman pala.

I am dragging myself on my way to Jasmine's room. Malapit na ako sa may pinto nang makarinig ako ng impit na daing. Nagmadali ako upang agad na makarating, pero laking gulat ko nang madatnan ko si Jaimie. May hawak itong unan na pilit nitong itinutuon sa mukha ng nagpupumiglas na si Jasmine.

"Jaimie!" Bulalas ko habang humahangos ako palapit.  Kinilabutan ako nang lumingom ito nang nakangisi. Nangingitim ang palibot ng mga mata nito at tila wala sa kanyang sarili. "Get off her!" Nakipagbuno ako para tanggalin nito ang unan sa mukha ni Jasmine. She's surprisingly strong but I was able pull her away and push her hard enough towards the wall. Tumama ang noo nito sa pader at agad na nawalan ng malay.

"Jeff, anong nangyayari?"  Jasmine's in tears. Nakahawak ito sa kanyang neck brace, habang tinutulungan ko itong makabangon. "Anong nangyayari kay Jaimie?! "

"I don't know...but we really have to go." Inaalalayan ko na ito pababa ng kama.

"P-pero saan tayo pupunta?" Nakakalakad naman ito kaya inalalayan ko na lang ito.

"I just need to pick up some stuff in the apartment and then we'll go."

"Saan nga tayo pupunta?"

Hindi ko rin alam, but I can't tell her that.

"I'll let you know later." Nasa hallway na kami. Lumilinga-linga ako sa paligid.

"Can you get my bag too?" Her neck brace is certainly slowing her down.

"I will pero--"

A nurse caught us in the hallway. "Saan kayo pupunta?" Anito. She's heading towards us.

"Shit!" Bulong ko sa sarili ko.  "Jasmine, we need to hurry!"  Bulong ko naman may Jasmine. Bumilis naman ng kaunti ang lakad namin.

The nurse is beginning to sprint behind us nang biglang...

"Kumusta ka na, pare." Kasabay ng simula ng walang hintong pag-indap ng mga ilaw ang biglang pagsulpot ni John ilang metro ang layo mula sa amin.  Nakaharang ito sa mismong hallway na daraanan sana namin ni Jasmine towards the back door. "P'wede ko bang mahiram ang puso ng girlfriend mo?" Lumalapit na ito papunta sa amin. "'Wag kang mag-alala, isasauli ko naman sa 'yo ang katawan n'ya. Tutal, 'yun lang naman lagi ang gusto mo sa mga babae. Katawan lang. Kinakasama mo kahit hindi mo mahal. Akin na lang ang puso n'ya. 'Wag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong sa mabuti ang kalalagyan nito dito sa loob ko."Hinahaplos nito ang kanyang tiyan.

Inabot na kami ng Nurse sa bandang likuran namin.  "Please let us go." Natatarantang bulong ko rito habang dumudukot sa wallet ko. "If you're worried about the bill...here."  Iniaabot ko sa kanya ang credit card ko. "Charge everything there...just please let us--" Hindi pa nito nakukuha ang Credit Card ko nang bigla na lang nasiritan ng dugo ang mukha ko.  Nagmula ito sa gitnang bahagi ng leeg ng Nurse. Sinaksak na pala ito mula sa likuran gamit ang isang scalpel.

Marahan ang naging pagbagsak nito bago namin nakita kung sino ang nasa likuran nito.  It was Jaimie with her creepy-distorted grin. Her skin is very pale. Her long hair is sort of wet and sticky with blood splatter over her face. Behind her is the silhouette of a woman a little taller than her; and behind the said woman is the silhouette of another woman wearing a wedding veil.

Napasigaw si Jasmine sa sobrang takot. We're trapped in the middle. John is almost ready to grab her nang biglang may dalawang babae ang tig-isang humila sa amin papasok sa fire exit a few steps away.

"Monna?!" Nang mamukhaan ko kung sinong humila sa akin.

"Yaya?" sabi naman ni Jasmine sa humablot sa kanya. "Anong gi--"

"Kailangan muna nating makaalis dito."  Wika ni Nana Azon. "Monna!" Pagbaling nito sa kasama. "Tulungan mo akong alalayan si Jasmine."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"Teka!"  Hinila ko si Jasmine. "Saan n'yo kami dadalhin?"

Hindi pa man din naibubuka ang bibig ng alinman kina Nana Azon at kay Monna'y biglang bumukaskas ang pinto ng Fire Exit.  It was John. His sharp evil gaze directed towards us.

"Tayo na! Dali!"  Sigaw ni Nana Azon sa amin.

I have no choice but to run behind them pero mabilis si John.  Nahagip ako nito. Binitbit ako nito sa kuwelyo at doon na nagsimula ang aming pagbubuno. Sobrang lakas n'ya; animo'y hindi na sa tao. He choked me before he successfully slammed and pinned me on the wall. I am on the verge of passing out nang maaninag ko si Monna behind him.  May hawak itong tangke ng fire extinguisher at ipinukpok nito ito sa likod ng ulo ni John.

Nakawala ako kay John. Lumagpak si John si sahig bagama't may malay pa rin ito

"C-charisse?" Nang makita nito si Monna. "Charisse?!" He stretched out his hand towards. "B-buhay ka?!"

"Of course buhay ako." Nakaangil na wika ni Monna, "Baboy!" Sinipa nito sa mukha si John. "Hayup ka!" Mangiyakngiyak na ako. "Sabi mo sa 'kin Jeffrey ang pangalan mo! Ang sabi mo, ikaw si Jeffrey Olivarez. Sinungaling!" Nagulat ako at namimilog ang matang napatingin kay Monna. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa 'min ng kaibigan ko! Hayup ka! Demonyo ka!" Itinaas na nito ang tangke fire extinguisher at saka nito paulit-ulit na inihataw 'yun sa ulo ni John.

I literally threw up in one corner matapos kong masaksihan kung paanong dinurog ni Monna ang ulo ni John. His face is hallowed. Nagsitalsikan na ang mga mata nito kasama ng nadurog na utak nito. His blood is beginning to pour down the stairs nang hinila ako ni Monna papunta sa kinatatayuan ni Nana Azon at Jasmine. Magkakasama na kami nang muling bumukas ang fire exit at iniluwa naman nito si Jaimie.

"Tayo na!"  Sigaw ni Nana Azon sa aming lahat.  "Bilis!"

[ITUTULOY]

SindakWhere stories live. Discover now