EPILOGUE: Happy Ending<3

817 17 4
                                    

[Kung sino man nagbabasa ng story ko at sinubaybayan hanggang huli at sa pagtitiyaga sa mga Typos Error ko lalo na sa Grammar errors ko.. MARAMAMING SALAMAT!!! Sana Suportahan nyo pa rin ang 2nd Story ko.. "SHE'S THE GIRL IN MY DREAM!", si Jyra Destinee Lopez ang magiging bida doon. Sana magustuhan nyo! Maraming salamat ulit! ^________^]

EPILOGUE: Happy Ending<3

[Play the background music at the side..]

(Kyra's POV)

~6 years later~

Pagkatapos ng mga pagsubok na pinagdaan namin noon. Naging masaya naman sa bandang huli. Heto lang ang masasabi ko, ang saya-saya ko. Hindi rin naman namin maiiwasan ni Jazon ang hindi mag-away, natural lang yun sa mag-asawa..

Sina Kuya Evan at Ammie mag-asawa na rin, 5months ng bustin si Bessy. Si Elle at Jonas ikakasal palang.. Si Zedd? Nakuu~ Nakakatuwa! Kasi si Maggie nanliligaw sa kanya, si Zedd naman itong iwas ng iwas. Si Mama naman may sarili ng negosyo doon sa amin. Si Francis, minsan binibisita nya ang mommy nya sa kulungan pero mukhang ganun pa rin ang ugali ni Tita Evelia, masama pa rin.

Yung baby namin ang kuliiiit, lagi akong tinataguan.. -_- Teka, na saan na ba yun?

"Jyraaaa~? Na saan na ba batang yun?" sa laki ba naman ng mansion ang daming pasikot-sikot..

(Jazon's POV)

Habang naglalakad ako papasok sa mansion, may napansin akong batang babae na nagtatago sa garden. Sigurado ako, tinataguan na naman nya mommy nya.

Naglakad ako papunta kay Jyra at saka ko ito kinulat.

"BOO!"

Napatalon sa gulat ang anak ko. "Waah! Daddy you scared me!" Umupo ako sa tabi nya.

"Are you hiding mommy again?"

"Ssshh.. Daddy, quiet!" mahinang sabi nya sa akin.

Tumayo na ko at agad ko syang binuhat. "Aww, daddy!"

"Stop hiding, okay?" nag-pout lang ito. "Kiss muna si Daddy.." then she kissed me on my cheek. Susunod yan sa akin, daddy's girl 'to, eh! xD

Malayo palang agad na kaming natanaw ni Kyra. Agad itong nagpamewang.

"Hay! Ikaw talaga, kung saan kita hinanap at pinahanap.. Ako na magbubuhat sa kanya."

"Ako na lang. Nakita ko sya doon sa may garden."

Do Love Me (YongSeo FanFic)Where stories live. Discover now