CHAPTER 45: Slap from my Mother..

377 10 0
                                    

CHAPTER 45: Slap from my Mother..

(Kyra's POV)

"Wag mo na kong ihatid hanggang sa amin, kaya ko na. :)"

"Sure ka. Gusto ko sanang makita ngayon si Mama. Sige, next time na lang." pagkatapos hinalikan nya ako ulit sa labi. "Ingat ka."

Tumango na lang ako. "Ikaw rin."

Pagdating ko sa bahay nadatnan ko si Mama sa sala.

"Mama, nandito na po ako." tuwang-tuwa na sabi ko.

Tumayo si Mama at lumapit sya sa akin. Bakit parang ang seryoso ni Mama ngayon.

*Slap*

Nagulat ako ng sampalin ako ni Mama, napahawak ako sa pisngi ko.

"M-mama.."

Yung mga mata ni Mama, nakakatakot.. "Magsabi ka ng totoo. Kayo ba ni Jazon?" Paanong nalaman ni Mama ang tungkol sa amin? "Sumagot ka!" sigaw sa akin ni mama.

Napikit ako at tuluyan na kong umiyak.

"M-ma.. s-sorry po.. H-hindi ko po k-kayo sinunod.. Mama, hindi po kami magkapatid! Kaya pwede kaming magmahalan.."

"Makipaghiwalay ka, ikakasal din sya iba!" pati ba naman yun alam din nya. Ipinato sa akin ni Mama ang isang maliit na sobre na may nakadrawing na dalawang singsing at nakaribon pa ito.

Binasa ko ito.. Wedding Invitation? O__O

"Putulin mo na ugnayan mo sa kanya. Simula bukas.. hindi ka na papasok, magdrop ka na!"

Nagulat ako sa sinabi ni Mama.

"Pero mama.. Pati po pag-aaral ko maapektuhan?"

"Dahil alam kong magkikita pa rin kayong dalawa."

Hindi. Hindi maaari..

Tumalikod sa akin si Mama, pero agad ko rin sya niyakap sa likod. "Mama, please wag nyo pong gawin ito sa akin.. maggagraduate na po ako.."

Tinanggal ni Mama ang pagkakayakap ko sa kanya. At naglakad n sya palayo sa akin.

- - - - -

(Francis's POV)

Pinababalik na ko ni Mommy sa mansion, it means hindi na mainit ang ulo sa akin ni Daddy.

Bago ako makapasok sa gate ng mansion, may napansin akong lalakeng nakatalikod sa tabi ng gate. At humarap ito sa akin na naka-shade at tinanggal nya ito.

O_O

"O Francis!"

Nung namukhaan ko yung itong lalaki para akong nakakita ng multo sa gulat.

"P-papa?"

"Bakit parang nakakita ka ng multo dyan?"

"B-buhay k-kayo?"

Do Love Me (YongSeo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon