CHAPTER 26: Sleep over..

526 15 1
                                    

CHAPTER 26: Sleep over..

[Sorry for the late update.. 2days kasi na walang power, kaya puro lowbat mga gadgets namin..hehe! Enjoy reading pa rin, guys! ^_____^v]

(Jazon's POV)

Pinark ko yung kotse ko malapit sa Limpson University. Naglakad na ko nang matanaw ko na si Kyra, kaso bigla itong tumawid nang may napansin akong sasakyan na mabilis papunta sa kanya. Tumakbo ako papunta sa kanya and thank God.. i saved her. Kaso na out-balanced ako nang hinigit ko sya kaya natumba kaming pareho. At nasa itaas nya ko, pag dilat nya.. pinipigilan kong tumawa dahil sa itsura nya.. shock na shock, eh! XD

"Are you... alrigth?"

Nakakailang ang posisyon namin. Mabuti wala gaanong tao dito. -.- Tumayo na sya tsaka nya inayos ang sarili nya.

"P-pasensya na.. Ku--" Tinaasan ko sya ng isang kilay. "Este J-jazon pala.." napayuko na lang sya.

Hay naku~ Tinititigan ko lang sya habang nayuko ito.

"Psh.. Paano pala kung wala ako ngayon? Na-heat and run ka na ngayon? Loko yun, ah!" hinawakan ko sya sa wrist nya. "Tara." hihilain ko na sana sya ng bigla nya rin hinigit ang kamay.

"T-teka.. yung libro ko!" turo nya sa gitna ng daan.

"Haist! Ako na nga lang, dyan ka lang sa tabi." pumunta ako sa gitna ng daan at kinuha ko yung libro nya. Inabot ko sa kanya. "Oh. Tara na." hinila ko na naman sya.

"S-saan tayo pupunta?" tanong nya.

"Ihahatid ka na." sagot ko. Ngayon ko lang namalayang basang-basa na kami. Pagsakay namin sa kotse ko hinubad ko yung basa kong blazer. Tumingin ako sa kanya at yakap-yakap nya ang sarili nya dahil nangangatog na 'to sa ginaw kaya naman hininaan ko yung air-con. HIndi ko naman pwedeng ipapagtong sa kanya yung blazer ko dahil basa din ito. Tinignan ko sya ulit habang natingin ito sa labas.. "Giniginaw ka pa ba?"

Tumingin sya sa akin. "H-hindi na. S-salamat pala k-kanina. Sorry, dun sa reunion noon.. s-siguro.. nadala lang ako sa biglang mong pagdating.." ngumiti sya ng pilit at inilayo ang tingin nya sa akin.

Ngumiti ako. "Sorry if I surprised you. But that is my really plan.. kasi nalaman ko rin na magkakaroon nga kayo ng reunion.. And it's okay, alam ko namang mangyayari 'yon.. Pag sapit ng alas-dose ng madaling-araw aalis ka na dahil yun ang laging bilin sayo ni Mama."

Napatingin sya sa akin. "Hanggang ngayon pala.. alam mo pa rin?" natawa sya.

Ngumisi ako. "Syempre. Ako pa!"

"Namiss ka namin.. Alam mo ba yun?"

"Ako rin naman. And I didn't expect na magiging sila din ni Evan at Ammie. I'm happy for them."

"Hmm, salamat pala sa necklace.. Kahit walang binanggit na name kung kanino galing. Alam namin na galing sayo ito, dahil galing State yung package."

Natawa naman ako dun. "Salamat naman at na gustuhan mo. And about sa dress, sa akin galing yun, I'm the one who brought that just for you."

Biglang nagfade ang smile nya. "Ikaw? Bakit mo naman ako binilhan ng ganun?" medyo may inis sa tono nya.

Nag-pout ako. "Bakit? Ayaw mo?"

Do Love Me (YongSeo FanFic)Where stories live. Discover now