CHAPTER 50: Come with me..

450 13 0
                                    

CHAPTER 50: Come with me..

(Third Person's POV)

Tinignan ni Jazon ang wrist watch nya. Its exactly 9:38 na ng gabi. Matiyagang naghihintay si Jazon sa may kanto.

"Kyra, please come.. I'll be waiting for you" sabi nito.

- - - - -

Hindi na alam ni Kyra ang gagawin nya para makatakas, dahil gising pa hanggang ngayon ang mama nya. Lumabas ito ng kwarto nya. At nakita nyang nasa sala ang kanyang ina.

"Bakit gising ka pa?" tanong sa kanya ng ina.

"Ahh, iinom lang po ng tubig.. H-hindi po kasi ako makatulog.." dumeretsyo na agad si Kyra sa kusina.

"Patayin mo ang ilaw pagkatapos mo dyan, matutulog na ko."

Napapikit nalang si Kyra sa kaba, dahil oras na para tumakas sya.

Tinignan nya ang wall clock..

"Hala! 9:08 na pala!" mahinang sabi nya.

Pinatay na nya yung ilaw sa kusina, at dahan-dahan itong naglakad at mahinang binukas ang pintuan hanggang sa makalabas na sya.

Naglalakad na ang dalaga nang matanaw na nya ang lalaking minamahal nya.

Natanaw na rin ni Jazon a wakas si Kyra sa malayo kaya agad ito tumakbo papunta sa dalaga. Agad nya itong niyakap ng napakahigpit.

"Akala ko hindi na kita makikita pa.. I missed you badly.."

"Namiss din kita, Jazon.."

- - - - -

Nasa loob lang sila ng kotse para makapag-usap. Nakasandal lang sa balikat ni Jazon si Kyra..

"Anong ginawa sayo ni Mama?"

Umiling-iling lang ito. "Wala. Ako lang nagpapahirap sa sarili ko.."

"Nangayayat ka nga. Halata sayong hindi pa kumakain. Gusto mong ibili kita ng noodles?"

Natawa naman ang dalaga. "Wag na, busog na ko ngayon. Kinain ko yung bigay sa akin ni Kuya Evan na luto nya. Feeling ko nasa preso ako.. -.-"

"Matagal ka ng nakapreso.. sa puso ko.."

Biglang namula ang dalaga sa sinabi ng nobyo sa kanya. "Baliw.."

"Baliw sayo." hinalikan ni Jazon si Kyra sa noo.

"Jazon, mukhang hanggang dito na lang tayo. Malapit na ang kasal mo, 'di ba?"

"Ayokong marinig yan."

"S-sorry.. Pero Jazon, kahit hanggang dito na lang magtatapos ang lahat sa atin, ikaw pa rin ang mamahalin ko.. Ikaw ang first love ko.." yumakap ito kay Jazon.

Hinaplos-haplos ni Jazon ang buhok ng dalaga. "Don't say that. May paraan pa para magtuloy-tuloy tayo.."

"Paano?"

Hinarap nya si Kyra sa kanya at tumingin ito ng seryoso. "Come with me... tonight.."

Do Love Me (YongSeo FanFic)Where stories live. Discover now