CHAPTER 33: Hug..

408 16 2
                                    

CHAPTER 33: Hug.. 

(Kyra's POV)

Bukas na pala ang birthday nya, mabuti walang OJT ngayon. Pinuntahan ko si Mama sa kusina.

"Ma?"

"O anak, bakit?"

"Kailangan po kasama kayo bukas."

"Anak, kahit hindi na. Ikaw na lang."

"Eh baka hanapin kayo bukas ni Kuya Jazon.."

"Anak, ayos lang. Kayo na lang ng mga kaibigan mo ang pumunta. Sige na mauuna na ko."

"Ingat po, Ma." kailangan ko na palang bumili ng regalo.

Nagulat akong biglang nagring ang phone ko. Si Jazon tumatawag, kailan pa sya nakbalik? Agad ko namang sinagot ito.

"Hello?"

(Where are you?)

"Ahh, nandito sa amin. Bakit?"

(Wag kang aalis. I'm on my way there.)

Biglang nalang nito pinatay.

- - - - -

Nadatnat ako ni Jazon nakabihis.

"San punta mo?"

"Ha? Ah.. ano.. magpapasama kay Ammie may bibilhin ako. Nandito ka?"

"Wag mo ng isama si Ammie, tayo na lang. Tara!"

"Huh?! T-teka!" hindi na ko nakatanggi, hinila na naman nya ko at isinakay sa kotse nya. Haist! Ano bang problema nya?

~Mall~

Nandito nga kami sa mall, pero hindi naman ako makakabili ng regalo dahil kasama ko sya. Paano na?

"hmm, kailan ka pa nakabalik dito?" tanong ko sa kanya.

"Kahapon lang, may inasikaso lang kami ni Daddy. Bakit? Namiss mo ko?"

Nagulat ako sa sinabi nya. Yung puso bilang bumilis na naman.. >.<

Tinignan ko sya ng masama. "Ewan ko sayo, dyan ka na nga!" mabilis akong naglakad sa kanya.

"Hey! Joke lang yun." hinabol pala nya ako. "Pero ako oo." bulong nya.

"May sinabi ka?"

"Sabi ko mabango ka. Gamit mo yung pabango na gift ko sayo."

Speaking of pabango.. Napahinto ako sa bilihan ng mga perfume. Alam kong huminto rin sa paglalakad si Jazon. Iniisip ko kung ganyan na rin kaya iregalo ko sa kanya?

"Bibili ka?" nagulat ako ng  bigla syang nagsalita.

"Ahm, h-hindi.."

"Wanna eat?"

Tumango na lang ako.

Ano ba yan.. Wala na.. Hindi na ko nakabili ng regalo nya.. Ano na lang ibibigay ko bukas?

Pagkatapos naming kumain, nagyaya naman syang magsine.. Nanuod kami ng horror movie.

"Eeeehh~ Alam mo namang takot ako sa ganyan, di ba?"

"Bakit ba? Kasama mo naman ako."

"Sige na, pagbibigyan na kita.. birthday mo bukas, eh!" nagcross-arms na lang ako.

Tumawa naman sya. "Haha! Salamat!"

At pumasok na nga kami sa loob. Ahuhu~! Wag ko na sana mapanaginipan itong papanuodin namin. >___<

Umupo kami sa pinakalikod, medyo madilim ang part na iinupuan namin. Saktong nagsimula na yung movie.

Kapag may nakakatakot or nakakagulat na part scene napapayuko na nalang ako tsaka ko tititigan yung popcorn na hawak ko..

"Boo!"

"AHH---!!" tinakpan ko agad ang bibig ko. "Waaah! Nakakainis ka!!" pinagpapalo ko si Jazon sa braso nya. "Wag ka ngang manggulat ng ganun natatakot na ko, eh!!"

"Hahaha! Aray! Sorry na, sorry!! Haha! Tama na, masakit!" bigla nya kong niyakap bilang pagpipigil sa paghahampas ko sa kanya. O///O "Hindi na natin tatapusin, uuwi na tayo."

Habang yakap nya ko.. parang huminto yung oras.. Ang naririnig ko lang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko. Naririnig kaya ni Jazon ang kabog ng puso ko, sana hindi..

Ngayong yakap nya ko, hindi ko ma-explain ang nararamdaman ko, parang nagugustuhan ko ang pagkakayakp nya sa akin..

Teka! Bakit ba ko nag-iisip ng ganto? Hindi kaya.. nahuhulog na rin ako sa kanya?

Do Love Me (YongSeo FanFic)Where stories live. Discover now