CHAPTER 18: Out of Place? =.=

445 17 2
                                    

CHAPTER 18: Out of Place? =.=

(Kyra's POV)

Ilang taon na rin ang nakalipas kaya marami na rin ang nagbago.

Bagong buhay..

Bagong tirahan..

Bagong mga kaibigan..

Hmmm... Sarap ng simoy ng hangin, yung amoy ng dagat.. at--

"HOY, BESSYYY!!"

Nagulat na naman ako sa tumawag sa akin. Si Ammie pala, sya lang naman ang nagtatawag sa akin na 'Bessy',  di ba?

Kinaway-kaway ko naman sya. "HALI KA DITO!! ANG GANDA!!" sigaw ko naman sa kanya.

Tumakbo naman sya papunta sa akin.

"Wooow!! Ang ganda naman dito, bessy! Maligo tayo mamaya!! Ang ganda ng dagat, grabe! Nakakapang-akit naman!! Ay, teka!" may hinalungkat ito sa bag nya. "Picture tayo, Bessy!!"

Lumapit sya akin at itinaas naman nya yung phone nya at hinarap sa amin. "Bessy, say.. selfiiiiie!!" pagkatapos clinick na nya ito.

Oo nga pala.. 4th year college na kami ni Bessy sa pasukan. Alam nyo bang.. sila na ni Kuya Evan? Ayiieh! Kilig to the bones ako sa kanila.. cute couple kaya sila, hihi!

"Bessy, asan hubbylabs mo?" tanong ko kay Ammie.

"Susunod na lang daw."

Si Kuya Evan may work na.. Chef na sya ngayon sa isang sikat na resto. Oha! Kami naman ni Ammie, hindi kami magclassmate.. pero sa iisang university kami pumapasok.

Kung tatanungin nyo ko about kay Kuya Jazon? Wala pa kong balita mula sa kanya. Pero.. may nagpadala ng package sa amin mula sa Staes.. Isang box na laman ay necklace.. Tapos wala pang iniwan na sulat.

Heto.. lagi kong suot itong necklace na pinadala nya.

"KYRAAA!!!! YUHOOOO!!!"

"Bessy, si Elle ba yun?"  turo ni Ammie sa babaeng kumakaway-kaway ito sa amin.

"Oo sya.. Hala! Nandyan na sila!" takbo naman kami ni Bessy papunta kay Elle.

Si Ellenelle for short 'Elle', classmate at close friend namin ni Ammie.

"Kararating nyo lang?" tanong ko kay Elle.

"Yup!" tumingin kay Ammie. "Waaah! Ammie, nandito ka rin pala?"

"Syempre.. buntot ako ni Bessy, eh! Hahaha!!"

Minsan kapag kasama ko ang dalawa nato sa school.. ako OP.. sila kasi may boyfie, eh.. -_-

Ang dahilan kung bakit nandito kami sa isang Beach Resort.. dahil Anniversary daw nila Elle at ang boyfie nitong si Jonas na classmate naman ni Ammie.. galing, noh?

"Ammie, dadating din ang boyfie mo?"

"Oo naman!"

"Masaya 'to!!" at nag-appear-an pa ang dalawa..

Bumulong si Elle kay Ammie. "OP na naman yung isa dyan, hehe!"

Narinig ko yun! Bubuong na lang.. malakas pa.. >.>

"Oo nga.. hindi pa kasi sagutin si Zedd, eh!" sabi naman ni Ammie.

Tignan mo 'tong dalawa na 'to.. nang-asar pa..

Tumingin ako sa kanila ng masama.. ( =.=)++

Binigyan naman nila ako 'Peace-sign'..

Do Love Me (YongSeo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon