CHAPTER 37: Please.. Do love me..

422 14 0
                                    

CHAPTER 37: Please.. Do love me..

[Background music: Its Okay even it is Hurts (Instrument)  _ Seohyun]

(Kyra's POV)

Kasama ko si Elle ngayon, nandito kami sa labas ng company at nakaupo sa mga benches.

"Anyare? Bakit mo yun ginawa?"

Sabi na nga ba.. yan ang itatanong nya.

"Sorry sa inyo.. Hindi ko na alam kung paano ko sisimulan." Humarap ako kay Elle "Elle, mukhang.. naramdam ko na rin yung naramdaman mo noon kay Jonas."

"Huh? Kung ganun? May pinagseselosan ka? Omo, you mean.. may nagugustuhan ka nang lalake?" hinawakan nya ang makabilang braso ko "Sino?! Tell me!"

Inalis ko yung mga kamay nya sa balikat ko. "Hindi bale na lang. Kaliimutan mo na sinabi ko. Panaginip lang siguro yun, hehe!"

"Hindi ako na niniwala.. Nagsisinungaling ka, ayaw mo sabihin ang totoo., psh!"

"Pasok na tayo sa loob.." tumayo na kaming dalawa. Parang nahihilo ako, nararamdaman kong umiinit ang mga mata ko.

"Alam mo? Namumutla ka. May sakit ka ba?" tsaka nya hinawakan ang noo ko, at agad nya ito inalis na para bang napaso sya. "Shocks! Kyra, ang init mo!"

"Ano ba, ayos lang ako. Magpapaalam na ko ng maaga ngayon kay Sir.Lio.." bigla akong inubo.

"Hala! Halika na, para makauwi ka na!"

Inaalalayan ako ni Elle. Hilong-hilo na ko, napahawak ako sa noo ko.. ang init nga.. bigla na lang akong natumba at nawalan ng malay.

- - - - -

(Jazon's POV)

"Waaah! Kyra, wake up! Wake up, please?! Kyra! Waaah! Somebody help us!!"

Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ko yun. Mabuti wala mga bodyguards ko na nakabuntot lagi sa akin.

Nagulat ako sa nakita ko. Si Kyra na parang walang malay. Napatakbo agad ako sa kanila.

"What happened?"

"Nawalan agad sya ng malay! Nilalagnat sya!" natatarantang sabi ni Elle.

Binuhat ko na pang-bridal si Kyra. "Ikaw na bahala sabihin sa kanila."

"Pero--"

"Ako na bahala sa kanya."

Tumango na lang sya.

Isinakay ko na si Kyra sa sasakyan ko at sinimulan ko ng andrain ang sasakyan ko.

Dinala ko sya agad sa malapit na hospital.

- - - - -

"Doc, how is she?"

"Don't worry, she in good condition now. Siguro dahil sa pagod kaya sya nagkalagnat. Sooner or later, magigising na sya."

"Thank you, doc."

Pinuntahan ko na si Kyra sa room nito. Umupo ako malapit sa kanya. I touched her forehead, medyo mainit pa talaga.

I reached her hand, ang sarap hawak-hawakan.. Hindi ko na inintindi kung nararamdaman nya 'to ngayon.

Ramdam kong iniiwasan nya ko, pero bakit? May nagawa ba ko sa kanya na hindi nya nagustuhan?

Pinagmamasdan ko lang ang maamo nyang mukha. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha nya at bumulong ako..

"Kyra, kung sakaling maririnig mo ngayon ang sasabihin ko, wag mo sana akong iwasan.. Kyra, please.. Do love me.. Because.. I love you." then I kissed her on her forehead.

Do Love Me (YongSeo FanFic)Where stories live. Discover now