CHAPTER 32: Do not believe..

406 13 0
                                    

CHAPTER 32: Do not believe..

(Kyra's POV)

Ilang weeks na ang nakalipas at nag-o-OJT pa rin kami. Nung una natatakot na kong pumasok baka kasi yung stepmom ulit ni Jazon ang humawak sa akin. Pero hindi pa pala. Mabait na ngayon ang humahawak sa akin.

Ilang weeks na ring hindi ko nakikita si Jazon ngayon. May mga sabi-sabi na pumunta daw ng States si Jazon kasama ang Daddy nya.

Napa-AAHH.. na lang ako sa isip ko. Bakit hindi man lang nya sinabi sa akin? Baliw talaga yun. napailing-iling ako.

Napansin ko yung calendar sa desk ko. Oo nga pala.. next week na pala birthday nya, mag-21 na sya, ibig sabihin debut nya?! Bakit ang sarili kong birthday nakakalimutan ko na? Pati Death Anniversary ni Papa? Ahuhu~ Sorry, Papa!

May mga ipon pala ako sa bahay, pagkakarsyahin ko na lang para makabili ako ng regalo. Tamang-tama, weekend bukas! Magpapasama ako kay Ammie! ^_^

"Hi.."

Napalingon ako sa likuran ko. Heto yung stepbrother ni Jazon, yung Francis?

"H-hello po, sir.." kailangang magbigay galang dahil sya daw ang humahawak ngayon sa company. "May kailangan po kayo?"

Lumapit ito sa akin.

"Totoo palang... maganda ka.. Sayang hindi kita pwedeng ligawan.."

Feeling ko para akong nabaliw sa sinabi nya.

"Kung liligawan man kita.. magiging karibal ko ang mayabang kong kapatid."

"A-no po bang sinasabi nyo dyan? Hindi ko po kayo maintindihan.."

Ngumisi sya. "Hayy~ Ang slow mo pala?" tinitigan lang nya ko ng mabuti. "Hindi mo ba nararamdaman o manhid ka lang talaga?"

Gulong-gulo pa rin ako. Ano ba talaga gusto nya sabihin? Nagsalita ulit sya.

"Hindi naman kayo magkapatid kaya obvious naman sa kanya na.. may gusto sya sayo. Kaya hindi na lang kita liligawan."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya sa akin.

"Hindi ka makapaniwala?" tumawa sya ng konti.

"M-may gus--"

"He loves you.. and that's true. It's up to you KUNG.. maniniwala ka sa akin or hindi.. bye." lumabas na sya ng opisina na namin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Paano namn magkakagusto si Jazon sa akin?" umiling-iling ako. "Hindi ako maniniwala sa kanya, imposible ang sinasabi nya."

- - - - -

Kasabay ko ngayon si Elle sa bus, sa isang sakayan lang kami magsabay tsaka may pupuntahan sya. Busy rin kasi si Jonas, hindi ko akalaing magbusiness partner pala ang Daddy ni Jonas at Daddy ni Jazon. Small world!

"Elle, pwedeng bang magtanong?"

"Sure. Ano yun?"

Nakakahiya naman ang itatanong ko.. Kung si Ammie, aasarin lang ako nun..

"Ahm.. Anong naramdaman mo nang nalaman mong.. nagkakagusto ka kay Jonas?"

"Ayun ba? Teka, bakit mo pala tinatanong yan? May napupusuan ka na ba? Ayiieh~!!!" sabi nya habang sinusundot nya ang baywang ko.

"Ahaha! Ano ka ba? Hindi, noh! Sagutin mo na lang kasi tanong ko."

"O sige na nga.. Ganito yan, maraming nagsasabing ang manhid ko daw noon. Close friend ko si Jonas, hanggang sa palagi ko syang kasama. Simula nung iniwan nya ko noon, naging malungkutin na ko, namimiss sya lagi, gusto ko nandyan lang sya.. Bumalik sya may kasama syang ibang babae, at dahil sa SELOS doon ko palang naramdaman na.. may gusto na ako sa kanya. Basta, nabigla na nalang ako noon nang sabihan ko sya ng 'I love you', Yiieeeh~! Haha!"

Ganun pala.. bigla ulit nagflashback sa utak ko yung sinabi sa akin ni Mama na iwasan ko daw mahulog ang feelings ko kay Jazon.

"Elle, bumilis ba heartbeat mo nang sinabihan mo sya ng I LOVE YOU?"

"Hmm, oo.. hehe! Sandali nga lang, meron ka bang---" Biglang huminto yung bus. Nagmadali agad ako.

"Babye na! Thanks!"

"Hoy! Ang daya! Hindi ka makakaligtas sa akin!!" sigaw nito.

Nakababa na ko ng bus, phew~

Napailing-iling ulit ako. Hindi ako pwedeng magkagusto sa kanya, susundin ko na lang ang bilin ni Mama.

Do Love Me (YongSeo FanFic)On viuen les histories. Descobreix ara