CHAPTER 52: Shocking moments! *Part1*

481 12 0
                                    

CHAPTER 52: Shocking moments! *Part1*

(Third Person's POV)

Maraming nagpapapicture ngayon kay Maggie dail naka-wedding gown na ito. Ngayon na ang Wedding nila ni Jazon.

Palaging nyang naaalala ang mga sinabi sa kanya ni Zedd noon. Napailing-iling sya. "Hindi pwede, ayoko! Hindi ko sya isusuko. I will be her wife forever.."

- - - - -

~Church~

Nasa harap na sila Maggie at ang parents nito sa simbahan at magsisimula na ang kasal.

[Play the music at the side, thank you!]

'This is it! Yung dating laro naming kasal-kasalan ni Jazon, ngayon.. natupad na.. sa wakas!' bulong ni Maggie sa isip nya. Naglalakad na sila papuntang altar.

Malayo palang natatanaw na nya si Jazon na naka-black tux. Bakas sa mukha ni Jazon na hindi ito masaya ngayon, kahit ngiting pilit walang ipinakita ito.

Tinitigan lang nya ang pagdating nila Maggie para salubungin ito. Minsan na papailing na lang ito dahil naiimagine nya na si Kyra ang naka-wedding gown.

- - - - -

Bagong gising si Kyra ngayon. Pagkagising nya parang may nararamdam syang hindi maganda sa kanya. Nagulat na lang sya bigla syang gumuwal, napatakip sya ng bibig para hindi sya tuluyang magsuka.

Napailing-iling sya. "H-hindi to totoo.." mahinang sabi nya. Agad itong napahawak sa tiyan nya.

Napayakap na lamang sya sa mga tuhod nya at dun umiyak.

- - - - -

Nasa harap na sila Jazon at Maggie sa pari.

Nagsilita na ang pari. Si Maggie parang hindi nakikinig sa sinasabi ng pari, dahil bakas sa mukha na parang may gumugulo sa isipan nya.

"You, Jazon.. do you take Maggie for a lawful wife to have in to hold, from this day forward, for better  for  worse, for richer for poorer , in sickness in health until do you part?"

"I do.." he said in cold voice.

"You, Maggie.. do you take Jazon for a lawful husband to have in to hold, from this day forward, for better  for  worse, for richer for poorer , in sickness in health until do you part?"

Tumingin muna ito kay Jazon. Kaya pati si Jazon tumingin din sa kanya.

"Ahh.. no?"

- - - - -

Nadatnan ni Laurena ang anak nya kwarto na walang malay ito sa sahig.

"Anak! Kyra!" pilit nyang ginigising si Kyra pero wala pa rin. "Kyra, anong nangyari sayo?"

Humingi agad ng tulong si Laurena kina Ammie dahil malapit lang ito sa kanila. Agad nilang dinala si Kyra sa ospital. Hindi mapigilan ni Ammie ang hindi umiyak, dahil naawa ito sa kaibigan.

Pinasok na sa ER si Kyra.

"Tita, wag po kayong mag-alala, magiging maayos din si Kyra."

- - - - -

Maraming na gulat sa sagot ni Maggie kahit si Jazon hindi rin makapaniwala.

Humarap si Maggie kay Jazon. "Kahit paano nakokonsensya ako sa mga pinaggagawa ko kay Kyra. She's still my bestfriend at ako ng dahilan kung bakit nakakaproblema kayo ngayon ni Kyra. I'm sorry sinira ko relationship nyo.. Umalis ka na Jazon, baka bawiin ko sinabi ko kung hindi ka pa aalis. Kailangan ka ngayon ni Kyra."

"Maggie.." hindi alam ni Jazon kung ano ire-react nya "But, how's the com---"

Humarap si Maggie mga bisita at magulang nito. "Hep!" pinigilan nya si Jazon sa pagsasalita. "Leave it to me!"

"Maggie, what are you doing?!" sabi ng ama ni Maggie.

"Sorry, dad.. I can't marry, Jazon. Sorry, if I disappointed you all. Daddy, please let's help na lang natin sila sa company. Mas sasaya pa ko pag ganun, kaysa magpakasal ako sa hindi naman ako mahal.." halatang may lungkot sa boses ng dalaga.

Hinarap nya ulit si Jazon. "Ayan! You heard it right?! Ano pang tinatayo-tayo mo dyan? Puntahan mo na sya!"

Napangiti na lamang si Jazon tsaka nya ito ni niyakap ng saglit. "Thank you so much!"

"Che! Kahit paano naman mabait ako, noh? Natural nasa simbahan tayo kaya kailangan kong magpakabait. SIGE NA!"

Agad nang tumakbo si Jazon palabas ng simbahan.

Do Love Me (YongSeo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon