CHAPTER 47: Let me love her..

396 14 0
                                    

CHAPTER 47: Let me love her..

(Jazon's POV)

Napasugod na lang agad ako sa bahay nila Kyra. Kumatok ako, at pinagbuksan ako ng pinto.

Laking gulat ni Kyra ng makita ako. "Jazon.."

Agad kong niykap sya ng mahigpit. Mukhang wala si Mama ngayon.

Narinig ko naman syang umiiyak. "Umalis ka na, baka maabutan ka ni Mama."

"Ayoko. Hihintayin ko sya."

Tinitigan ko sya. "Ipaglalaban ko ang pagmamahalan natin."

"Lumayas ka!"

Nagulat kami, si Mama.. Kumalas agad si Kyra sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Ma.."

*Slap*



Napapikit na lang ako sa sakit ng sampal ni Mama sa akin.

"Ma, please lang.. Kalimutan nyo na ang nakaraan. Gumising na kayo, ma! Hindi kami magkadugo ni Kyra! Bakit ang lupit nyo? Hayaan nyong mahalin ko si Kyra."

Tumingin si Mama sa akin ng masama.

"Magkadugo man kayo o hindi ako papayag! Iiwan mo rin si Kyra, dahil magpapakasal ka na rin sa iba." natahimik ako.

"Jazon, sige na.. Umalis ka na.." tinutulak-tulak ako ni Kyra ngayon, pero hindi ko magalaw ang mga paa ko.

"Lumayas ka na, Jazon. Hindi ka nararapat kay Kyra. Ayaw na kitang... makita pa.."

Do Love Me (YongSeo FanFic)Where stories live. Discover now