CHAPTER 14: Anak?!

463 15 3
                                    

CHAPTER 14: Anak?!

(Kyra's POV)

"Mama!!" sabi ko.

"Ang aga nyo yata?"

"Birthday ko raw po kasi, hahaha!"

"Nagkataon lang na may meeting ang mga teachers.. -_-" sabat ni Kuya.

"Biro lang!"

Minsan talaga.. hindi marunong maki-ride itong si Kuya. >3>

"Halina kayo, kumain na kayo."

"Hello po, Papa" sabi ko sa puntod ni Papa.

"Happy birthday, anak." hinalikan nya ito sa noo.

"Salamat po, Mama! ^___^"

Tinititigan ni Laurena si Jazon.

"'Nak, may problema ba?"

Umiling-iling ito.. "Wala po.."

Hanggang ngayon kasi hindi pa rin nya lubos na makalimutan kung bakit may nililihim ang kanyang ina sa kanya at ayaw nitong malaman kung ano yung totoo.

- - - - -

Sabay-sabay naglakad pauwi ang mag-iina.

Tahimik lang si Jazon. Si Kyra naman kung anu-ano na lang kinukwento sa mama nya.

Natatanaw na ang bahay nila. Napahinto sa paglalakad si Jazon.

"Bakit ka tumigil, anak?"

Nilingon naman ni Laurena kung saan nakatitig si Jazon.

Nabigla si Laurena ng makita nya ang isang magarang itim na kotse na nakaparada sa tapat ng bahay nila.

"Hindi ba yan po yung kotseng nakaparada sa tapat ng calenderia nyo noon, mama?" tanong ni Kyra.

Kinakabahan na si Laurena.

Nagtataka na yung dalawang magkaptid sa reaksyon ng mama nila.

"W-wag nyo kong pansinin. Deretsyo na tayo, wag nyo na pansinin yon. Sige na.. lumakad na tayo."

Pagdating nila sa tapat ng bahay nila.

"Laurena."

 [Backgraound music: I'M ALONE by Tiffany SNSD]

(Kyra's POV)

Matumawag kay mama. Isang lalake na nasa 40+ na ang katandaan neto. Mukha itong mayaman.

Biglang nagsalita si Mama.

"Jazon, Kyra.. pumasok na ko sa loob. Dali na!" utos sa amin ni mama.

"Bakit mo sila pinapapasok sa loob? Kailangan na nilang malaman ang totoo."

Anong totoo? (?_?)

Si Kuya para hinihintay ang susunod na sasabihin ng mister na ito. Bakit parang.. kinakabahan ako?

Ano ba dapat namin malaman?

"TUMIGIL KAYO! Hindi ba kakasabi ko pang sa inyo na hindi ko sya ibibigay sayo!!" sigaw ni mama.

Hala! Si mama sumisigaw? Nakakatakot.. Galit na galit na ang itsura nya.. Ngayon ko lang nakitang ganito ang mama ko.. O_O

"Sino ba kayo?!" pati si Kuya galit na rin.

"Valedictorian ka kaya alam mo kung ano ang ibig sabihin ng Luksong-dugo.."

Nagulat kami sa sinabi ni kay Kuya.

"Anak, wag mo syang pakinggan.." umiiyak na si mama.

"Wag mo syang tatawaging anak, Laurena. Ako lang may karapatang tumawag sa kanya na ANAK!"

Napanganga ako sa sinabi neto.. Teka.. anong anak ang sinabi nya? Si Kuya? Anak nya? O__O Humarap si Kuya kay Mama.

"Ma, magpaliwanag kayo?! Anong sinasabi nya na anak nya ko?!"

Hindi makapagsalita si Mama dahil umiiyak pa ito.

"Ako na magpapaliwag. Ninakaw ka nya sa amin nung kasagsagan ng kaguluhan sa mansion. Jazon, gusto mo bang.. makulong ang kinikilala mong ina?"

"Bina-blackmail mo ba ko?!"

"Hindi totoo ang sinasabi nya. Ikaw mismo ang nag-abandonado kay Jazon!" iyak ng iyak si Mama.

Biglang sumemsyas itong si Mister sa likod nya, at biglang may dumating na apat na Men in Black ang dating. Tsaka nila hinawakan sa magkabilang braso si Mama.

May isa na humawak sa magkabilang braso ko. Meron din kay Kuya.

"Ahhhh!! Pakawalan nyo---asfgdhjdsf" biglang tinakpan ng lalake ang bibig ko ganun din ang ginawa kay mama.

Pinipilit ni Kuya Jazon na makawala sa mga kamay na humahawak sa kanya, pero hindi nya ito magawa.

Ang hirap dito banda sa amin walang kapitbahay.. walang mahingan ng tulong.. T3T

"ANO BA?! BITIWAN MO KO!!" sigaw ni Kuya.

"Jazon, pumili ka.. Sasama ka sa akin? O ipapakulong ko 'yang nanay-nanayan mo?"

Kuya.. mas mabuting... sumama ka na lang sa kanya... hindi ko kayang makulong si Mama.. T_T

Do Love Me (YongSeo FanFic)Where stories live. Discover now