CHAPTER 38: About the Two..

419 13 0
                                    

CHAPTER 38: About the Two..

(Ammie's POV)

Nandito ako ngayon sa restaurant kung saan nagwowork ang Hubbylabs ko.

"Wafilabs, bakit nandito ka?"

"Wala lang.. Gusto lang, bakit? Ayaw mo?"

Tumawa naman. "Sira. Natural gusto ko. Pero bakit ka nga nandito?"

"Namimiss kita. Bakit ka ba nakatayo pa dyan. Umupo ka dyan, may pag-uusapan tayong dalawa."

Umupo naman sya sa tabi ko. "Namimiss? Gabi-gabi tayo nagtatawagan, madalang na ngalang kita sunduin sa school." ahuhu! Nag-pout sya?

"Ahaha! HUbbylabs, It's okay! Nag-iingat naman ako pag-uwi. Teka.. hindi ba ko nakakaistorbo sayo?"

"Girlfriend ko ang nandito kaya okay lang. Yung sasabihin mo. Tungkol saan?"

Ayiieh~! Sarap marinig yung 'Girlfriend'. Napakamot ako sa noo ko. "Aahh.. Tungkol sa dalawa. Kina Kuya Jazon at Kyra."

"O na pa'no?"

"May napapansin ka ba kay Kuya Jazon kapag kasama nya si Kyra."

He sighed. "Meron, at obvious kay Jazon na gusto nya si Kyra."

"Hindi ka.. naiilang?"

"Nung una.. pero nung nasa bar tayo... inamin nya sa akin."

"Hah? Ang alin?"

*Flashback*

(Evan's POV)

Niyaya kong munang lumabas saglit sa bar si Jazon.

"Bakit tayo lumabas? May sasabihin ka?"

"Hindi, may itatanong lang ako."

"Go ahead."

"Wag mo nang i-deny itong itatanong ko. Ikaw ba.. may gusto ka kay Kyra?"

Ngumiti sya. "Yes. Mabuti napansin mo."

"Hindi lang naman ako. Mukhang si Ammie din. Pero, hindi ba parang nakakailang? Sorry, na sanay kami sa past. YUng past na.. magkapatid pa turi---!"

"Stop that. I don't want to hear that anymore. Please, wag nyo nang balikan yung past. Kaya ako bumalik dito to change everything, to start a new life. Hindi rin naman madali sa akin ang maka-move on lalo na kapag pupunta ako sa barrio at makikita doon ang kinilala kong ina."

"Bakit kay Kyra pa? Maraming magaganda't mayaman sa America, bakit sya?"

Tumingin ito sa malaking buwan. "Hindi ko rin alam kung bakit sya. Inisip ko noon, if someday magkagusto ako sa kanya, may mangyayari bang maganda? Binaling ko na ang sarili ko sa ibang babae doon, pero wala pa rin.. sya pa rin lumilitaw sa isip ko. So, I decided na sya na lang ang mahalin ko.. And I'm just following what my heart says."

"Kung gusto mo nga sya. Bakit hindi mo sabihin sa kanya na ma--" tengene, nagsasalita pa ko, eh! -____-"

"Hindi madali 'yon. At saka alam ko naman, para sa kanya.. kapatid pa rin turing nya sa akin. Basta ako, nandito lang.. liligawan ko sya kahit hindi nya alam."

"Manhid kasi, haha! Hindi bale, someday.. marerealize nya rin yan."

"I hope so. Thanks for understanding..... Ewan.." pagtapos bigla itong tumawa.

"Loko! Ume-Ewan ka na naman!" tinap ko ang shoulder nya. "Kahit sira ulo ka, nandito pa din ako.. nakasuporta!"

Tinap nya rin ako sa balikat. "Thank you.."

*End of Flashback*

(Ammie's POV)

"Kaya wafilabs, wag na magfocus sa past. Suportahan nalang natin si Jazon. Hindi naman sila magkadugo kaya, okay lang! Wag nang maiilang, okay?"

Ngumiti ako. "Okay. Siguro nadadala lang ako sa past. Sige, ako naman ang momove on, hehe!"

Piningot nya ang dulo ng ilong ko. "That's my girl!"

Do Love Me (YongSeo FanFic)Where stories live. Discover now