CHAPTER 39: Time wasted..

403 10 0
                                    

CHAPTER 39: Time wasted..

(Kyra's POV)

Umagahan..

"Anak naman! Anong nangyare sayo."

"Mama.. sorry po.."

"Mabuti nandyan ang Kuya Jazon mo." napalingon ako sa likuran ni Mama, hindi sya nakatingin sa akin. Nakatingin lang sya sa bintana.

Naalala ko yung mga sinabi nya sa akin kahapon.. Imagination ko lang ba yun?

*Flashback*

Nagising ako nung nandyan pa sa tabi ko yung doctor apti yung nurse.

"Gising ka na pala, ija."

"Doc, sino po.. nagdala sa akin.. dito?" ampangit ng boses ko.

"Lalaki. Nasa labas sya ngayon."

Pumipikit-pikit pa ang mata ko sa antok. "Pakisabi po tulog pa po ako."

"Oo sige, sasabihin ko."

Mga ilang minuto ang lumipas, biglang narinig ko yung pagbukas ng pinto ng kwarto ko. Ipinikit ko agad ang mga mata ko, kunwari tulog ako.

Naramdaman kong hinawakan nya ang noo ko. Naramdaman ko rin na hinawakan nya ang kamay ko tsaka nya hinaplos-haplos ito. Nakaramdam agad ako ng kuryente sa katawan ko.

Hindi ako pwedeng maglikot dahil alam nyang tulog ako..

Muntik na kong napagalaw nang nakiliti ako sa tainga galing sa mainit nyang hininga. Hala! Anong gagawin nya?

Shemay!! Ang buminilis na naman ang heartbeat ko. Wag sana nyang marinig ang kabog nito. T_T

Narinig kong bumulong sya sa akin. "Kyra, kung sakaling maririnig mo ngayon ang sasabihin ko, wag ka mo sana akong iwasan.. Kyra, please.. Do love me.. Because.. I love you."

Tsaka nya ko hinalikan sa noo, ang tagal.. siguro mainit na ang labi nya ngayon?

Pagkatapos nun, naramdaman kong lumayo na sya sa akin at lumabas na ito ng kwarto ko.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko.. Hindi ako makapaniwalag totoo nga ang sinabi sa akin ni Francis..

May naramdaman akong mainit na likido sa side ng mata ko at tuluyan an itong tumulo. Naiyak ako.. at pinilit kong ngumiti..

Lumingon ako sa pintuan kung saan sya lumabas. 'Babalikan mo pa ba ako?' bulong ko sa sarili ko hanggang sa maramdaman ko na ang antok at ipinit na lang mata ko na may bakas pa ng luha.

*End of Flashback*

Si mama sinesermon pa rin ako, kahit hindi naman ako nakikinig..

"Uuwi na tayo." tumingi sya kay Jazon. "'Nak, salamat. Pasensya na rin kung naisto--"

"Ma, ayos lang." nakangiti lang nito sabi sa amin. "Ipapahatid ko na lang po kayo sa driver namin. May aasikasuhin pa po kasi ako sa company." Lumapit sya amin at may inabot sa akin. "Take it. Vitamins yan." saglit lang sya tumingin sa akin.

Bakit parang... ang cold nya ngayon? Datirati kahit nandyan si Mama tinitigan nya pa ko ng matagal.. kahit 5mins. lang.

"Ma, alis na po ako. Take of yourself." tumingin sya ulit sa akin. "Lalo ka na."

Sinundan ko lang sya ng tingin hanggang sa lumabas na ito ng kwarto ko. Anong problema nya?

- - - - -

Unang lumabas ng kotse si Mama, sumunod naman ako.

Nayuko ako, nakatayo lang ako sa tapat ng bahay namin.

"Mama.." inangat ko ang mukha ko. "May pupuntahan lang po ako." tumakbo ako papuntang kotse.

"Kyra, san ka pupunta?!"

Yun na lang narinig kong sabi ni Mama bago ako makasakay ulit sa kotse.

"Sir, pwede nyo ba akong dalhin sa company nila Jazon?"

"P-pero.."

"Sige na po!"

Hindi namakaimik yung driver at pinaandar na nya agad ito.

'Ma.. sorry po..' tumulo na namana ng luha ko.

Nakarating na kami dito sa company nila Jazon. Wala kaming OJT ngayon. Hindi pa ko nakakapasok sa loob pero pansin ko na palabas na sila Jazon at kasama nya si Maggie na nakapalupot ang mga kamay nito sa braso ni Jazon at may mga kasabay itong mga bodyguards.

Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa makasakay na sila kotse.

Parang nanlalabot ang mga tuhod ko.. Wala na.. nakaalis na sya.. Masyado akong nagmadali.. Na sayang lang ang pagpunta ko dito..

Umiiyak na naman ako..

Do Love Me (YongSeo FanFic)Where stories live. Discover now