CHAPTER 31: Don't fall

404 14 0
                                    

CHAPTER 31: Don't fall

(Kyra's POV)

Natapos agad ang pinapagawa sa akin, nagpunta agad ako sa cr. Parang hindi pagiging empleyado ang ginawa sa akin, ginawa akong tagalinis. Ang lupet at nakakatakot ang stepmother ni Jazon. Pero, bakit nya ginawa sa akin? May nagawa ba ko? Feeling ko kapag nakita ko ulit ang Stepmom ni Jazon, sigurado akong.. magkakaphobia ako.

Shete~ Ang sakit ng sabunot nya sa akin. Sa tanang-buhay ko, sya lang ang nakagawa sa akin ng ganun. Sarili akong nanay hindi ako pinagmamalupitan ng ganun.

Naghilamos ako, pagkatapos nilagyan ko ulit ang powder ang mukha ko at konting blush-on at lip glose. Siguro naman hindi na mahahalata ang mugto kong mga mata.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Bubuksan ko na ang pinta ng cr para lumabas na ko, pero pansin ko yung kamay ko.. nanginginig,, >____<

Nakalabas na ko ng cr at nakita kong nagkukumpulan na ang mga classmates ko. Uwian na pala..

Nagulat ako ng biglang may umakbay sa akin.

"Ihahatid na kita." sabi ni Sir Jazon. Kailangan ko sya i-sir dahil anak sya ng Presidente.

"

Okay, Kyra! Wag kang magpapahalatang malungkot ka. Dapat yung walang nangyari. "Bahala ka!"

- - - - -

Pagdating namin sa tapat ng bahay namin bumaba rin sya.

"Papasok ka pa ba?" tanong ko.

"Hmm, hindi na.. Baka hindi kita masundo ulit bukas. May aaasikasuhin kasi ako, eh.."  lumapit sya sa akin at bigla akong hinalikan.. sa pisngi. O///O "Bye." then he winked at me again.

Nung nakaalis na sya, napahawak ako sa pisngi ko kung saan nya ko hinalikan. "Bakit nya yun.. ginawa?"

"Kyra?" bumalik ako sa realidad ng biglang may tumawag sa akin. Si mama.

Pumasok na ko. Hala! Nakita kaya nya yung ginawa ni Jazon sa akin? >~<"

Tinignan ako ng seryoso ni Mama. "Anak, kahit hindi kayo magkapatid. Kung maaari, iwasan mong wag mahulog ang loob mo kay Jazon."

"Mama, a-ano po bang... pinagsasabi nyo?"

"Sundin mo na lang ako. HIndi ko gugustuhing magkatuluyan kayong dalawa, dahil para sa akin magkapatid pa rin kayong tunay. Magpahinga ka na."

"O-opo.."

Siguro iniisip ni mama nagkakagusto ako kay Jazon?

Do Love Me (YongSeo FanFic)Where stories live. Discover now