Chapter 24 (Part 2)

Start from the beginning
                                    

Sabi ni Denise na parang hindi niya narinig ang sinabi ni Lawrence, pero, ramdam kong na-offend siya. Why worry? She deserved it. Narinig ko pang bumulong si Lawrence na umuwi na lang kami pero nag-insist akong kakausapin ko siya for at least ten minutes. Tinignan pa ‘ko nang masama ni Lawrence, tapos nakiusap na lang ako na mauna na lang siya sa pag-uwi.

“Okay,” sagot niya, “I’ll wait.”

Kumunot ang noo ko, “Wag na, umuwi ka na lang.”

“Ten minutes.” Hindi niya pinansin ang sinabi ko, “Maglalakad muna ako sa kabila, tapos babalikan kita rito.”

Hindi na ako nakahabol pa ng sasabihin dahil naglakad-takbo siya palayo. Napakakulit talaga. Pagtingin ko sa babaeng kaharap lang namin, nakaupo na siya sa upuan na inupuan ko kanina. Wala naman akong choice kundi umupo doon sa part na pinuwestuhan ni Lawrence.

“Narinig mo, ten minutes lang. Ano bang sasabihin mo?” sabi ko nang hindi siya nililingon.

Ugh, napaka-awkward, at parang ibang tao na ang kausap ko.

“Alam mo bang ilang araw matapos mo kong sampalin sa harap ng maraming tao,” she stopped, and smirked, “After ng pangyayaring ‘yon, Brent broke up with me.”

“Oh.” Tipid na sagot ko, tipong clueless ako sa sinabi niya kahit alam ko naman.

“Hindi ko alam kung ano’ng nagpabago sa isip niya, e, halos isumpa ka nga ni Brent nung araw na napahiya ako, e.”

Her words are too edgy. Kumbaga sa kutsilyo, napakatalim niya na magsalita. Not the friend I’d known.

I raised my chin, “Bakit mo sinasabi ‘yan sakin ngayon? Wala na kami, wala na kayo. Wala akong makitang point.”

“Di ka ba nagtataka kung bakit ko nagawa ‘yon sayo?” Shet, salamat sa pagsagot sa tanong ko, ha.

“Kailangang pa ba kitang sadyain para tanungin ‘yon?”

She sighed, “Naalala mo nung pinakilala si Brent satin ng isang blockmate natin? Nung araw na ‘yon, sinabi ko sa’yong gusto ko si Brent, dahil mabait, at masayang kasama. Nung araw na ‘yun, sayo ko lang inamin ang sikreto ko tungkol sa kanya.” Napansin kong marahan siyang umiling, “Di ko alam kung natatandaan mo pa.”

It flashed back. That time, hindi pa ganoon katindi ang amusement ko kay Brent, at naaalala kong naging crush nga siya ni Denise. I didn’t speak a word.

“Sinabi mo pa nga sakin na susuportahan mo ‘ko kay Brent, at ilalakad,” natawa siya, pero sarcastic, “Pero pagkalipas ng ilang linggo, nalaman ko na lang sa blockmate natin na ikaw na pala ang nililigawan. Ang saya siguro, ‘no?”

“Hindi ko alam kung nahihiya ka lang sabihin yung panliligaw niya, o nahihiya ka sakin, dahil kaibigan mo ko.” She glanced my way, “Pero dahil nga kaibigan kita, I let it happen. Naging kayo, nagkaroon ng anniversary. Hinayaan ko, kasi inaasahan kong magbe-break din kayo. Pero habang tumatagal na nakikita kong magkasama kayo, lalo lang akong nagkakagusto sa kanya. Lalo lang akong nasaktan.”

Bakit bumibilis ang heartbeat ko? Kakaiba. Iba sa tuwing kasama ko si Lawrence; iba nung nakita ko si Brent sa LRT; iba sa ngayong kaharap ko si Denise.

“Alam mo Darla, dati naisip kong napakasama mo,” tinignan ko siya, “Paano mo nagawang isama ako sa mga lakad ninyong dalawa ni Brent, samantalang in the first place, alam mong may gusto ako sa kanya noong una? Sinasadya mo ba, ha?”

“Hindi ko naman alam na ganoon ang feelings mo sa kanya,” sagot ko, “Ang akala ko, simpleng crush lang—“

“Simpleng crush,” she chuckled, “Simpleng paghanga ng kaibigan mo, pero binalewala mo. Alam mo, ang selfish mo.”

She's My Sweetest DrugWhere stories live. Discover now