Ika-anim na Kabanata

Start from the beginning
                                    

"Woah.Woah. Not dead !!" tinaas ni Michelle ang kamay niya. Naka yakap sa bewang niya ang dalawa niyang anak at ang isa naman ay nasa kamay niya.

Nagtama ang mga mata ni Julia at Enrique. Kumunot ang noo ng dalaga ng mapansin ang nasa likuran ni Enrique.

"Is that --"

Hindi na siya nakapag salita dahil agad ito pinutol ni Broody. "Yes. It's dead, again."

"Paano yan nakarating dito?"

"Yun ang hindi namin masasagot." singhal ni Gilbert.

"Let's just clean this mess and go back to the camp." utos ni Christopher na agad naman nilang sinunod.

Tahimik ang lahat habang kumakain. Nahati sila sa dalawang grupo. Ang pamilya nila Shad at Jc kasama si Gilbert at Danita at ang kambal pati si Christopher. At ang grupo nila Daniel kasama si Champ, Broody, Zeus at Jupiter. Ang pinaka nahiwalay ay si Wade. Sa taas siya ng RV kumakain. Niluto nila lahat ang isda at nagkasya sa kanila.

Binasag ni Champ ang katahimikan na umaaligid sa kanila.

"Babalik ako sa town bukas. Nag inventory ako at napansing hindi na sapat ang mga gamit dyan. Lalu na yung para sa hygiene."

"Sa town? Yun doon sa bandang ibaba? Hindi ba delikado?" Tanung ni Kathryn. Umiling si Broody, "Simula ng nag camp kami dito, siya na ang taga takbo namin ng mga errands. Tsaka hindi lang naman yun ang town na malapit dito."

"Hindi rin naman tayo pwedeng laging isda. May nakita ako na isang store doon na halos puno pa. Yun nga lang..." hindi itinuloy ni Champ ang pangungusap. Natigilan naman sila sa pagkain at tumingala sa ngayon ay nakatayong chinito.

"Kaya lang ano?!" iritable na tanung ni Wade mula sa itaas. Pinag papawisan si Champ. Pinaglalaruan niya ang kanyang mga daliri.

"Kailangan ko ng back-up."

Suminghal si Broody sa sagot ni Champ at may pahabol pa siya.

"Actually, I need back-ups."

"Alam mong may limitations tayo pag dating sa ganyan." Agad nag salita si Broody na ngayon ay nakatayo na. Lumilipat ang tingin ng grupo kay Champ at Broody.

"Yeah. But that was days ago. Mas marami na tayo ngayon. We can use Victoria's group plus they brought a lot of weapons."

"We are not going anywhere." singit ni Julia. "Alam namin kung anu ang meron dun."

"Hindi naman namin papayagan ang mga babae. Mga lalaki lang ang--"

"Oy ! Oy ! Wag mo sabihing kami ang isasam mo?!" iritadong singit ni Lucas. Nagkakagulo na sila. Ayaw nilang sumama kay Champ.

"Ako. Samahan kita." natigil ang lahat ng biglang nag salita si Enrique. Lumingon sila sa binatang sinisimot ang isda. Suminghap naman si Wade sa narinig. "Pwede mo ako isama."

"Okay. Okay." Tumayo si Daniel at ipinahid ang maduming kamay sa likod ng shorts. "Ilan ba ang kailangan mo?"

Nag isip ng kaunti si Champ. Tinitingnan niya ang bawat isa sa kanila.

"Kailangan ko ng pito."

Agad umangal si Broody. "Hindi mo pwedeng kunin ang lahat. Hindi ba pwedeng apat ?"

"Malaki ang town na yun. Kailangan ng dalawang grupo para maikot ang buong lugar."

Napailing na lang si Christopher. "Sino ang mga isasama mo?"

"Si Enrique, Wade, Daniel, Lucas, Enchong, Jupiter at Jc." itinuro niya ang mga isasama niya. Walang naging reaksyon ang mga itinuro niya maliban kay Lucas na umiiling.

"Iba na lang. Wag ako."

"Kailangan namin ang iba dito."

"At ako hindi?"

"Mas kailangan ka sa labas. Mabilis ka." paliwanag ni Champ. Napailing na lang si Lucas.

"Sige. Bukas ng umagang-umaga, umalis na kayo para makabalik din kayo ka agad." salita ni Broody at tsaka itinapon ang paper plate sa basurahan. Tumango naman sila at naghiwahiwalay para makapunta sa kanikanilang mga tent.

"Sigurado ka bang sasama ka?" tanung ni Marco sa kakambal niyang si Enchong. Nag aalala siya at hindi niya alam kung bakit. Hindi naman siya ganito nung una.

"Okay lang ako bro. Tsaka isa pa, gusto ko din makatulong."

"Nakakatulong ka naman dito. Pabayaan mo na lang sila."

"Marco." hinawakan niya ito sa balikat. "Trust me. Everything will be okay." at humiga na siya sa sleeping bag.

Sa kabilang tent naman ay nag iimpake na ng mga magagamit na panglaban sila Enrique.

"You guys sure about this?" tanung ni Kathryn sa kanila pero kay Enrique siya nakatingin.

"Kahit naman ayaw namin, may magagawa ba kami?"

"Nakaka isang linggo pa lang tayo dito. Ayokong magkahiwalay tayo." ani ni Julia sa kapatid. Humarap si Daniel at hinawi ang buhok ng kapatid. "Walang mangyayari sa amin okay?"

"Don't worry. I will bring your brother back." biglang salita ni Enrique na ikinalingon ni Julia. Nagulat din si Kathryn. "Thank you." sagot ng dalaga pero hindi naman siya tinitingnan ni Enrique.

"You girls should rest. Kami na ang bahala dito." utos ni Lucas at humalik sa noo ng kaniyang bestfriend.

Bumalik na sa tent sila Julia at humiga. "Goodnight" nahikab na salita ni Kathryn at bago sumagot si Julia ay narinig na niya ang mahinang hilik ni Kath.

May tumulong luha mula sa mata ni Julia. Hindi niya alam kung bakit pero malakas ang kutob niyang may mangyayari At pag siya ang nakakutob, ay nag kakatotoo.

***

Already GoneWhere stories live. Discover now