Ika-anim na Kabanata

Start from the beginning
                                    

"Seriously, Kath? Yun ang napansin mo sa lalaking yun?"

"No, I mean." hinawakan niya ang braso ni Julia at napaikot lang ang mata nito. "Did you saw his features? Masyado siyang maayos para sa mundong ganito. His shirt was clean. His hair was well-brushed. He freakin look like a Ken barbie !! This is the apocalypse not a fashion show."

Tinanggal ni Julia ang pagkakahawak ni Kathryn sa kaniya. "Pag puro siya lang ang pinag usapan natin, walang matutuyo sa mga damit na ito. Kaya kung ako sa'yo, tapusin na lang muna natin to. Okay?"

Tumango naman si Kathryn at nag patuloy na sa paglalaba. Hindi maalis ang tingin niya sa lalaking nakikipag usap sa nakakatandang kapatid. Napahikab siya at binaling ang mata sa mga damit na puro bula.

"Daniel !!" tawag ni Julia sa kapatid ng dumaan sa gilid nila. Napatingin naman ito kaagad at lumapit.

"Anu yun, Jul?" tanung niya. Tumutulo ang pawis mula sa kanyang buhok. May dala-dala siyang apat na malalaking isda. Nakita niya na doon nakatuon ang atensyon ng kapatid niya. "Our dinner for tonight !" masaya niyang salita.

Napatingin naman kaagad si Kathryn nang sinabi ang salitang 'dinner'. Napangiti siya at isinampay ang huling boxers.

"Kayo nanghuli ng mga yan?" tanung ni Julia. Tumango naman si Daniel. "Kasama ko yung tatlong magkapatid." sabi niya.

"Mukhang busog tayong lahat ngayong gabi ah." sabi ni Jupiter mula sa likod. "Hi Julia. Hi Kath" at kumaway naman ng mahinhin ang dalawa. "Sabi nila Enchong dalin mo na daw yan kay Danita at Zeus para maluto na nila."

Sumunod si Daniel at nasa likod naman niya si Jupiter. Nag punas na ng kamay si Julia at Kathryn at itinapon ang laman ng planggana. Pumunta sila sa tent nila pero napahinto ng may biglang sumigaw na napaka lakas.

"Si Sonia yun !!!" sigaw ng kaniyang ina na si Michelle. Napatigil ito sa pag aayos ng mga plato at tumakbo papasok sa gubat. Sumunod naman ang mga lalaki.

"Dito lang kayo." pahabol ni Daniel at sumunod sa mga lalaking tumakbo sa gubat.

Nakita nila Enrique ang isang aso. Isang aso na hindi na humihinga dahil ang baga nito ay nasa bibig na nung zombie na walang pakialam sa kanila.

"Oh my god..." bulong ni Champ at tinakpan ang bibig. Nararamdaman niya kasi na mag lalabas ng sama ng loob ang kaniyang bibig. Tumalikod siya mula rito.

"Patayin niyo na." matabang na salita ni Broody. Handa ng pumana si Enrique pero pinigilan siya ni Gilbert. "Save it. As much as possible kailangan natin mag tipid." tumango naman si Enrique.

Inilabas ni Broody ang kaniyang kutsilyo. Ganoon din ang iba. May hawak na bat si Champ. Pero ang atensyon pa rin ng zombie ay nandoon sa asong hindi niya pa nauubos.

"Hoy panget !" tawag ni Jc.

*GRUUGHHH !!*

Tumingin sa kanila ang patay at agad ibinato ni Broody ang kanyang kutsilyo. Tumama ito sa gitna ng ulo nung patay at agad natumba. Lumabas na ang iniipon na suka ni Champ.

"That's disgusting." bulong niya habang pinupunasan ang bibig.

"Paano yan nakarating dito?" tanung ni Christopher sa kahit kanino.

Dumura sa gilid si Wade. Pati siya ay nandidiri dahil sa amoy.

"They're running out of food." sumbat ni Gilbert. "Unti-unti na silang umaalis sa syudad."

"We have to be more careful." sabi ni Broody at kinuha niya ang kutsilyo na naka baon sa ulo nung zombie.

Maya-maya ay may narinig silang kahoy na natapakan. Itinutok nila ka agad ang mga armas nila at nakita sila Julia.

Already GoneWhere stories live. Discover now