"Uy, Leo!" Sigaw nung isang tyuhin ni Car. Yung Tsong Eng-Eng yata, di niya maalala ang pangalan. Papasalubong ito pero mabilis siyang nakaiwas. Dire-diretso siya sa kinauupuan ni Duddy.

"Anak ng--buhay ka pa?"

"You f*cking shit!" Sigaw niya sabay suntok. Ganti na rin. Nasapak din siya nito noon ng walang abog doon sa bar. Hanggang ngayon nga may scar paring naiwan sa upper lip niya. Di bale na. Mas gwapo parin siya.

Kinuwelyuhan pa niya ito at pinatayo. Mas matanda ito pero mas matangkad siya. Isa pa, mukhang nakainom na naman. Mas lasing nga ngayon. He can smell his filthy breath. Kadiri. Binitawan niya ito kaya sumalampak sa semento ng kalsada.

"What the hell did you say to Car?!"

"Sinabi kong nambabae--" sumugod na siya at sinuntok ito uli. Sunod-sunod pa. Umiilag at sumasalag pero di niya tinigilan.

"Leo! Teka stop! Tama na! Wag kayong mag-rambol dito!" Sigaw ni Charity yon. Naramdaman din niya ang pagpigil ni Eric pero hinawi niya ito nang malakas.

"Where the f *ck is she?!"

"Bro!" Sigaw ni Gelo sa di kalayuan.

"Shut up, Gelo! Manahimik ka!" Sumuntok uli siya.

"Leo! Shutangina, may baril!"

"Chill muna, Leo. Ang init mo." One of Car's uncle said. Naramdaman niya ang malamig na bakal sa sintido. Para siyang nabuhusan ng malamig na tubig dahil doon. 

It's loaded. Sa tingin niya.

Sh*t. Literal na nanigas ang katawan niya. Mamamatay na siya. Di pa niya nakikita si Car.

"Upo." Lumunok siya. Tumango. Taas ang kamay niyang dahan-dahang umupo sa isang monoblock doon.

Naramdaman din niya si Gelong napaupo sa tabi niya. Si Bobby naman ay nailayo na at naiupo sa may dulong silya nila Charity.

Wala bang mga guards dito? Ah, dammit. Hindi nga pala village ang lugar nila Car.

"Please--Please, I just--I just want to see, Car. Magpapaliwanag ako." He said. Kahit kinakabahan. Yun lang naman ang pakay niya. 

Nakita naman niyang ngumisi si Tsong Eng-Eng. Binaba nito ang baril saka tumawa nang malakas. Napalunok uli siya. Pangalawang beses na niya yatang nakaramdam ng takot. Una yung muntik nang mawala sa kanya si Car. Tapos ngayon.

"Tagay ka muna."

Napilitan siyang kunin ang baso ni Tsong Jhong at lumagok. Di naman niya gaanong nalasahan. Pati si Gelo, nadamay din.

Lumunok siya ng pangatlong beses. 

"Yan ang gusto namin, eh. Malakas ang loob. May puntos ka na uli samin bata." Tapos biglang nagtawanan ang lahat. "Pag nakita ito ni Itong, matutuwa yon. May masasapak na siya."

"What?" Honestly, hindi niya magets. Ganito ba talaga ang pamilya ni Car?

"Bro, sabi, ok ka na daw uli sa kanila." Bulong naman ni Gelo. That's good to hear. He guessed.

He never expected that. Hindi talaga. Simula yata nang makilala niya si Car, lahat nang unexpected, nangyari na sa kanya.  

"Ano bang pinaggagawa niyo na namang mga damuho kayo! Kaya yung mga pamangkin nyong babae ang nakakatikim ng karma niyo, eh!"

Yung Lola yon ni Car. Agad nito pinagbabatukan ang mga malaking tyuhin ni Car ng lumabas ng gate. It's like watching a local comedy slapstick. Malalaking tao na binubugbog ng isang maliit na matandang babae. She held them by the ear tapos pinapasok agad sa loob ng gate. Naiwan silang nakanganga sa labas. Pero di parin niya magawang tumawa sa sobrang kaba.  

What is exactly happening? Nasaan ba talaga si Car?

Tumayo na siya at naglakas ng loob. Walang mangyayari kung di siya magtatanong ngayon.

"Maam--"

"Ikaw!" Lumingon ang lola ni Car sa kanya. Her tattooed eyebrows raised at him. "Hindi ba't iniwan mo na ang apo ko! Matapos mong buntisin, nakahanap ka agad ng babae--"

"Madame, my father just died." 

Doon na ito natahimik at napakunot ang noo. Napatingin ito kina Charity na alam niyang nagulat din. 

"Hindi ko alam kung anong sinabi sa inyo ni Duddy but that's the truth kaya ako nawala ng ilang buwan. You have no idea how much I wanted to stay by Car's side. She lost our child and I know how hard it is face it all alone," paliwanag niya. "Sinubukan ko po kayong tawagan o ma-contact but I can't seem to reach you."

"Nakablock parin ba si Leo, hon?" Tanong ni Charity kay Eric. Tumango naman ito.

Huminga siya nang malalim. There's no time for that. Pinatawad na nga din niya ang mga ito ng mag-viral yung hazing video. Isa pa, ayaw na niyang manisi pa.

"Please...I'm begging you. I need to see Car. I'm here to fullfil my promise--"

"Papakasalan mo talaga ang apo ko?"

"Yes. Definetly....kung papayag kayo."

"OMG, Leo?" Charity gasped. Si Gelo din. Buddy was about to protest pero sinampal siya ni Char.

He wanted to fix things up. Hindi pa niya nagawa pang makausap ng maayos si Car simula noong lumabas ang scandal nila. Hindi pa siya nagpapaliwanag ng maayos. Hindi pa niya nasasabi na hindi lokohan ang ang nangyari sa kanila. 

He love her. It was serious.

Wala siyang pakialam sa scandal sa pustahan o sa kahit ano pa man. At hindi na siya papayag na maging ganito kagulo ang lahat.

Bigla naman siyang hinampas ng walis ng lola ni Car. "Eh ano pang ginagawa mo ditong loko ka? Pa NAIA na ang apo ko. Mag-iisang oras na. Bilis! Layas!"

Tuloy si Car sa Hawaii?! Kailangan na nga niyang umalis!

"Thank you granny! Bibigyan ko uli kayo ng apo!" Niyakap niya ito nang mahigpit bago mabilis na bumalik sa kotse. 

Baka nga maabutan pa niya. Kung hindi man, magbook siya agad  ng ticket para masundan ito.

This is their happy ending. Hindi siya papayag na di iyon matupad. 

"Bro, wait for us!" Habol ni Gelo. Napansin niya ding sumakay sa likod si Charity at Eric. Bitbit pa nito si Buddy.

"What the actual f*ck?" Bakit lahat sila sasama? Field trip ba to?

"Andar na. Dali!"

D*mmit.

The Bully and the BeastWhere stories live. Discover now