Nanlalaki ang mata namin nang lingunin namin ang dalawa sa likod. Maging si Jaguar ay nakatayo din sa gilid ni Shiva.

"Would you like to share to the whole class what you were laughing about, Mr. Alforque?" aniya na medyo huminahon ang boses.

I tried so hard not roll eyes on him/her.

Kapag babae tumawa, galit. Kapag lalaki okay lang. Talk about double standards.

"Primo knows the answer to the problem on the boad, Sir. Tumawa kami kasi masaya kaming may sasagot na sa tanong mo, tears of joy po," ani Seige.

Narinig kong umusal ng mahinang mura si Primo bago masamang tiningnan ang mga kaibigan. Nang magtama ang tingin namin ay namula ako. I feel so embarrassed about what we did. Nadamay pa tuloy siya sa kabulastugan namin.

"Is it true, Mr. Montenegro?" ani Prof. Karl na mas lalong lumambot ang boses.

Kumunot ang noo niya habang tinitignan ang pisara.

"Yes, sir."

"Answer it on the board," ani Prof.

Isa isa niya kaming tiningnan lalo na kaming dalawa ni Shiva. He gave us his you-owe-me look para ipaalalang kung wala siya'y nasa labas na kami ngayon ng klase.

Walang kahirap hirap niyang sinagutan ang board work.

How does he do that? Listening to our conversation and keep up in our lessons?

"Bakit nakatayo pa kayong tatlo dyan? Upo." Sabi niya pagkuway nagtuloy sa pag didiscuss sa harap.

Natatawang nagsi-high five ang tatlo sa isa't isa, medyo mahina na ngayon ang mga boses at tawa nila. Ginulo din ni Ranger ang buhok ko kaya sinamaan ko siya nang tingin. Agad ko ding binawi nang maalala kung paano nila kami tinulungan.

Dahil lumipat si Ranger at Seige sa likod namin ay mas napadali ang pagchi-chismis namin. Tulad na lamang ngayon na nakayuko si Seige sa pagitan namin ni Shiva.

"Hindi yun libre. Sagot niyo lunch," aniya sabay umayos ng upo.

Nilingon namin siya ni Shiva at tumango.

*****

"I cannot believe you guys! Ang cool niyo kanina - sobrang solid," si Shiva na kunyare siniko siko ang mga lalaki.

Seige frowned at hinarap si Shiva.

"Shiv, we were always cool. Hindi ako makapaniwalang ngayon niyo lang napansin yon," aniya.

"Well, all of you were assholes to everyone kaya ngayon lang namin napansin ang coolness niyo," natatawang sabi ko.

Jaguar put up a fake hurt look.

"Ayah, my loves. Hindi ako makapaniwalang nasabi mo yan sa harap namin mismo," aniya.

"Sorry to break your Oscar Award winning acting Jaguar pero hindi ako tinatablan niyan," sabi ko.

"Ayah, itigil na natin ang pag iibigang ito. Masyado nang maraming nasasaktan," aniya with full of emotions.

Bago pa siya makareact ay sinalubong na ng mukha niya ang libro ko sa Calc na sing kapal ng mukha niya.

"Aww! Great! This is what I get for saving you?! Tapos na tayo, Ayah! Let's break up!" Tumigil siya para lumingon kay Shiva, "Shiva my love so sweet, please be mine," aniya at akmang lalapit kay Shiva.

The Warrior 1: PrimoOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz