Chapter 24 (Part 1)

Magsimula sa umpisa
                                    

Nataranta ako nang umingay na naman ang ringtone ko, at si Lawrensha na naman ang tumatawag! Ano bang trip nito ngayon? 

Nakahithit yata ng tambutso, e.

"O, ano na naman?" bulaslas ko kaya napatingin si Eula sakin.

"Ano'ng suot mo?" 

Kumunot ang noo ko bigla, "Ha?"

"Pucha, sagutin mo na lang, pwede?"

Napayuko ako sa damit na suot ko, "Naka-black ako."

Napasagitsit siya sa kabilang linya na kinainis ko, "Tae! I-specify mo naman!"

Napabuntong hininga ko at nagtaka lalo si Eula, "Black statement shirt, na may nakasulat na 'Shit Happens', tapos jeggings, at converse." I breathed deeply, "O ano? Gusto mo pati yung--" 

Pinutol ko yung balak ko sanang sabihin. Oops, nakalimutan kong lalake si Lawrence. Muntik na.

"Pati kulay ng underwear?" he maliciously asked, and I shut my eyes, "But I am more concerned on your bra. Push-up ba yan, o may lace?" he asked, whispering and giggling.

Lumaki ang butas ng ilong ko, "Taranta--"

"Joke."

After saying such pervert things, binabaan niya na naman ako. Yung totoo? Ano bang meron? 

Nakayuko ako nun habang nilalagay ang phone sa bulsa ng jeggings ko nang pagka-angat ng ulo ko, napansin kong sa iisang way lang nakatingin ang mga taong nasa harap ko-- especially, girls.

Nakataas ang isang kilay ko nang mapalingon din ako sa direksyon ng mata nila. Only to find out na may naglalakad na dalawang lalaki, at syempre, hindi nila makukuha ang atensyon namin kung hindi sila maitsura.

The brown-haired guy with a sunglass is wearing a faded denim which is folded in his forearms; naka-brown pants, at Vans. Yung isa naman, naka-maroon V-neck shirt na may nakasulat na "Beware, I'm hot", naka-maong at base sa obserbasyon ko, Adidas ang rubbershoes niya.

Kumaway sakin si brown-haired, sabay ngiti. Hindi na ako lumingon pa sa likod ko para siguraduhing ako nga ang kinawayan.

Sa itsura niyang 'yan, di ko pa ba siya makikilala?

"Ano'ng ginagawa ni Lawrence dito?" natanong ko si Eula nang di oras.

"Ha?" Oo nga pala, di niya kilala si Lawrence, "Fine Arts din ba sila? Bakit di ko sila nakikita sa building natin?"

Hindi naman nakangiti si Eula, pero halatang na-amaze siya sa dalawang kumag na 'yun. 

She's My Sweetest DrugTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon