1 🍒 one fateful night

10.3K 99 12
                                    

(Ella)
•••

I would love to look at the mirror right now cause I know I look terrible. The rain is pouring hard and I look like a wet kitten in the streets. Why didn't I bring something useful before leaving the house. Sinubukan kong tumakbo para umabot man lang sana sa pinakamalapit na coffee shop where I work pero nauwi pa rin ako sa isang sirang waiting shed.

It's seven in the evening and I'm sure I wouldn't stand the cold any longer if the rain continues on pouring. Nangangatog na ang mga tuhod ko sa lamig.

Pinigilan ko ang pag-irap ko nang pumailanlang ang  malamyos na boses ni Ed Sheeran. Tumatawag na si kuya Brandon, my older and only brother. Nagmamadaling hinanap ko ang cellphone sa bag ko.

"Kuya bakit hindi mo pa ko sinusundo? Maninigas na ako sa sobrang lamig dito," naaasar kong turan.

"Sorry, medyo sira---" hindi ko na naintindihan ang mga sumunod na sinabi niya. Napairap na lang ako sa hangin. I know where our conversation will lead us.

"Ella.. wagafghggh.... adrfeg... ulan," he continued his startling. Despite his struggle, isa lang ang nahinuha ko... hindi niya ako masusundo.

"Sige, ibababa ko na. Alam ko na hindi mo na naman ako masusundo. Baka lumangoy na lang ako pauwi sa atin. Abangan mo ako sa labas," I said with a sarcastic tone before ending the call.

Nag-isip ako ng iba pang matatawagan. Bigla kong naisip ang workmate at kaibigan ko na si Loly pero hindi rin siya sumasagot. Nilalamig na ako sa waiting shed na kinatatayuan ko tapos madilim na rin ang paligid.

Tumingin ako kung meron pang lugar na maaaring puntahan. I can't take the cold anymore. Nahagip ng mata ko ang bubong ng isang lumang apartment na nasa kabilang kalsada. Malapad ang bubong ng apartment kahit luma na... mukhang magandang pagpalipasan ng ulan.

I have decided to cross the street and make my way to the rusty-looking apartment. Halos araw-araw naman akong dumadaan sa kalsadang dito pero hindi ko napapansin na may apartment pala sa gilid.

Sumilong ako. Pagpasok ko pa lang sa loob ng silong ay nakaramdam na agad ako ng kakaibang lamig. Hindi ito yung lamig na mararamdaman sa labas kundi yung tipong manggagaling talaga sa loob ng katawan.

Hindi ko maipaliwanag pero ang bigat ng pakiramdam ko. I gulped.

I glanced at my watch, it's quarter after seven in the evening. Paano na ko nito? Hindi naman ako puwedeng maglakad dahil baha na ang paligid, so that was out of the options that I have.

Inikot ng mga mata ko ang kabuuan ng labas ng apartment. It is really old and rusty. Parang wala na nga yatang nakatira kasi hindi na conducive for occupying ang lugar. Pakiramdam ko ay nagtaasan ang balahibo ko sa katawan habang nasa loob ako.

Niyakap kong bigla ang sarili ko. Parang gusto ko nang umalis dito sa apartment na ito.

Malapit na akong masiraan ng bait at kung ano-ano na ang pumapasok sa utak ko. The night is approaching at malakas pa rin ang ulan.

"Kuya Brandon, sunduin mo na kasi ako. Kasalanan mo 'to kapag nagkasakit ako," medyo naiiyak akong napasandal sa pader ng apartment na sinisilungan ko.

"What was that?" kinakabahan na napa-sign of the cross ako sa narinig kong malakas na ungol.

Bakit may tahol ng aso? Sa totoo lang, parang hindi nga tahol ng aso. Parang ungol ng malaki o mabangis na hayop. Lalo tuloy tumayo ang mga balahibo ko.

Kagat-labing niyakap ko ng mahigpit ang sarili ko. Mas lalo ko nang gustong tumakbo paalis. Napaatras ako nang may marinig akong malalim na paghinga sa gawing likuran ko. I must have stepped on something soft dahil natapilok ako ng bahagya.

He Sucks • COMPLETED ✔️Where stories live. Discover now