"Sumunod po kayo saakin" sabi ko at nagsimulang maglakad.

Nakarating kami sa pangatlong palapag ng palasyo.

"Iyan ang magiging room mo Jack at ito naman ang sayo Stacy habang ang sayo naman po Tito, iyon po" sabi ko habang tinuturo ang mga kwarto nila.

"Kung may kailangan kayo, tumawag lang kayo ng kawal o katulong. Pwede rin nyo akong puntahan. Nasa dulo lang ang kwarto ko"

Tumango lang sila saakin.

"Maiwan ko na kayo" sabi ko at pumunta na sa kwarto ko.

Tiningnan ko ang gamit ko na dala ko kanina na ngayon nakaligpit na. Nagpalit nalang ako ng damit at humiga. Nakakapagod kahit walang ginawa.

***

"Nasan si Seanica?"

Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa labas. Bumangon ako at lumabas ng room. Nakita ko si tita Cassandra na kaharap lang nya si tito Jack.

"Tita Cass? Tito Jack? Ano pong nangyari? Bakit ang ingay nyo po kanina?" tanong ko sa kanila dahilan mapatingin sila sakin.

"Seanica! Mabuti at nakauwi na kayo. Sya nga pala, nasaan si Stein?" tanong saakin ni tita Cass.

"Nandon po sa kanyang kwarto. Nagpapahinga po" sabi ko na tinanguan lang niya ako.

"Pababain mo na sila Seanica, tanghali na. Kailangan nyo ng kumain" sabi niya na tinanguan ko lang.

Bumaba na sina tita Cass at tito Jack samantalang ako, pinuntahan na ang tatlo at ginising. Agad naman silang nagising. Sabay na kaming apat na bumaba haggang sa makarating kami sa dining area. Agad naman namin nakita sina tita Cass at tito Jack na nakaupo na.

"Insan!" masayang sabi ni tita Cass at niyakap si tito Stein na ginantihan naman din nya ng yakap.

"Umupo na kayo" sabi ni tita Cass nang matapos silang magyakapan.

Nagsiupo naman kaming lahat. Long table ang lamesa namin. Kaharap ko si tita Cass habang katabi ko naman si tito Stein na katabi naman niya sina Stacy at Jack habang katabi naman ni Tita Cass sa kabila ang kasintahan niyang si tito Jack.

"Sya nga pala, nasaan si Anica?" tanong ni Tito habang kumukuha ng pagkain.

Tumingin ako kay tita Cass na tumingin muna kay tito Jack bago humarap saamin na tila nagdadalawang-isip kung sasabihin ba nya o hindi.

______________________________

Cassandra POV

Nandito kami ngayon ni ate Anica sa Dark Kingdom. Matapos namin kalabanin si Fiam ay sinabihan ako ni ate na ako ang bahala kay Dark Queen matapos nyang tapik-tapikin.

Nang umalis na si ate, napatingin ako kay Dark Queen nang makita kong gising na sya.

"Anong nangyari?" tanong nya saakin at dahan dahang tumayo.

Inalalayan ko muna sya tumayo bago sumagot.

"May sumugod sa palasyo mo Dark Queen. May mga pinatay sya na mga alagad mo at pinatulog ka. Yun lang kasi ang alam kong nangyari" sabi ko.

"Ano?! Sinong nilalang iyon?!" galit na sabi nya.

"Wag ka muna magalit, baka makasakit sayo yan. Hindi pa kami sigurado kung pinatulog ka lang ba. Btw, Fiam ang pangalan nya. Half vampire at half wolf" sabi ko.

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Where stories live. Discover now