"Dyan ka muna te ha? kukuha ako ng inumin" sabi ni ate saakin kaya tumango tango naman ako at ngumiti then I heard it. Yung boses na babae kapag pinipindot mo yung number sa videoka? natatawa naman ako bigla, naalala ko lang nung ginagaya ni Trexie yan

Pagkatapos nung pagpindot pindot nakita ko naman yung music choice tas may naghiyawan doon sa kabila, mga teenager, parang chinecheer

"IYAK NA THIS! HAHAHAHAHAHA!" sigaw nung babae sa microphone na tinawanan naman ng lahat, pati ako natawa ng konti tas napatingin ulit sa monitor and smile. Timing

"Ikaw na ang may sabi na ako'y mahal mo rin. At sinabi mo ang pagibig mo'y 'di magbabago ngunit bakit sa t'wing ako'y lumalapit ika'y lumalayo..."

Napapikit ako and smiles while swaying my head. Nasa nature na siguro ng mga pinoy na mas gugustuhin nilang makarinig ng heartbroken songs kapag heartbroken sila. Yung kahit na alam mong ansakit sakit na tapos makakarinig kapang masakit na kanta eh gugustuhin mo pa rin

"Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba.."

Napatingin ako ulit sa grupo doon sa kabila at nagwe-wave sila ng hands tapos yung lalake ramdam na ramdam yung kanta. Yung mga tao naman sa paligid mukhang enjoy na enjoy rin

" 'di ba nila alam? tayo'y nagsumpaan.. Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang.."

Napatingin ako kay Isaac na may katawag sa phone. Namiss na siguro siya kaya tawag ng tawag. Siguro pagkauwi namin hindi na siya sasama saakin or worse ako lang magisang uuwi. Pero hindi naman siguro niya gagawin yun diba? kasi kung gagawin niya eh di malalaman nila diba?

"Kahit anong mangyare pag-ibig ko'y sayo parin kahit ano pa ang sabihin nila'y ikaw parin ang mahal maghihintay ako kahit kailan..."

Naluluha ako sa kantang 'to. Kainis naman kasi 'tong lalakeng to, kung makakanta ramdam na ramdam. Para pang naiiyak kapg kumakanta kaya tuloy naiiyak rin ako

"Kahit na... umabot man ako'y nasa langit na.. at kung 'di ka makita, makikiusap kay bathala. Na ika'y hanapin at sabihin ipaalala sa iyo ang nakalimutang sumpaan... na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang.."

Napatingin ako sa itaas. May mga stars na. Napangiti nalang ako and smile. Sana ganyan ako kapeace sakanila ngayon. Sana bumalik yung oras kung saan masaya pa 'ko at hindi pa 'to nangyayare. Sana panaginip nalang 'to

"Holding on is a very hard thing to do especially if you're the only one doing it" rinig ko na boses babae. Maybe sumingit nanaman yung babae kanina but then, napaisip ako. Kaya pala ako nasasaktan ngayon ng sobra kasi ako nalang ang umaasa at lumalaban sa relasyon 'to. Kaya pala kahit anong gawin kong paghila hindi ko pa rin siya maaabot kasi bumitaw na siya ng tuluyan

"ohh umasa ka... maghihintay ako kahit kailan. Kahit na umabot man ako'y nasa langit na. At kung 'di ka makita, makikiusap kay bathala. Na ika'y hanapin, at sabihin ipaalala saiyo ang nakakimutang sumpaan. Na ako'y sa'yo at ika'y akin lamang"

Napatawa nalang ako ng konti and smiles. Maybe it's time to be selfish, unahin ko nalang muna ang sarili ko

Pumalakpak ako pagkatapos niyang kumanta at dumating na rin ulit sila. Nagsimula na kaming maginuman at yung buong atensyon ko lang ay nasaknila, ni hindi nga ako tumingin kung saan siya. We just talk, sing, laugh, drink. Ineenjoy yung moment

Moments past parang hindi ako natataman o baka iniisip ko lang yun. Unti-unti na kasing tumatahimik, yung dalawang kainuman ko nakahiga na sa buhangin

I poke them pero hindi na namamansin

"Ano ba naman yan" reklamo ko at tumayo. Muntikan pa 'kong mapaupo kasi bigla akong nahilo

Broken MarriageWhere stories live. Discover now