CHAPTER 27: Permission from Ex-Brother..

Magsimula sa umpisa
                                    

Nag-sigh ako. "Oo. Pero hindi ko na sya tinatawag na 'Kuya'. Tatawagin ko lang syang 'Kuya' kapag kaharap namin si Mama. Para kay Mama, parang anak nya pa rin si Jazon."

"Haist! Kitam?! Kahit ako naiilang sa pagtawag mo sa pangalan nya. WAAAAH! SINO 'TO?"

Nagulat ako sa sigaw ni Ammie. May biglang tumakip sa mga mata nya. Tumingala ako para makita kung sino yun.

Haha! Si Kuya Evan pala! Sumenyas sya sa akin na wag akong mag-ingay.

Kinapa-kapa ni Ammie ang kamay ni Kuya Evan. "Waaah! Hubbylaaaabs!!" natanggal nito ang kamay ni Kuya Evan. "Nakakinis ka! Akala ko kung sino yun. Grabe ka, hubbylabs! :3" nagpout pa. Tumawa lang kami ni Kuya Evan. Tsaka nya kiniss sa pisngi si Ammie. "Tampo agad? Parang yun lang~"

Hahaha! Ang sweet nila. Kung ako kaya magkaboyfriend? Magiging ganyan din kaya kami ng future boyfriend ko?

"Hubbylabs, wag ka ngang gumanya. May naiinggit! XD"

Nabigla naman ako sa sinabi nya.

"Ay! Sorry, Kyra! Hahaha!"

Tumingin ako sa ibang direksyon. "Hindi, ah! Magsama nga kayo dyan, hmp!" tumayo ako.

"Kyra!" iiwanan ko nasa yung dalawa ng biglang may sumigaw sa pangalan ko. Napatingin din sila Kuya Evan at Ammie sa sumigaw.

Si Jazon.. Lumapit ito sa amin.

"Aba! Aba! Hoy, Jazon! Bakit ka nandito?" sabi ni Kuya Evan.

"Bakit  nandito ka rin?" nakangiti ito kay Kuya Evan.

Sumabat si Ammie. "Oo nga, hubbylabs. Susunduin mo ba ako?"

"Natural~!" -Kuya Evan.

"Wag na muna kayong umalis. May pupuntahan tayo." sabi ni Jazon kina Kuya Evan.

- - - - -

~Disco Bar~

Napanganga kami ni Ammie nang dahil kami dito ni Jazon. Bakit dito? Akala ko ba restaurant? =.=

"Woo! Galing mo talaga Jazon, haha! Matagal na kong hindi nakakapunta sa mga bar!" masayang tugon ni Kuya Evan. Tumingin ito kay Ammie. "Wafilabs, hindi ba dito ako nagpropose sayo?!"

Naku.. siguradong magugustuhan na rin ni Ammie dito.. may memories pala sila.. >_<

"Ahaha! Oo hubbylabs! Kuya Jazon, tara na!" Ammie. Sabay yakap nito sa braso ni Kuya Evan.

Lumapit sa akin si Jazon. "Sorry ulit." then he winked at me. Shete! Nahawa yata ako sa english nya. Nakakatampo.. :3

- - - - -

Nagkamustahan sila Jazon at Kuya Evan, ganun din si Ammie. Kararating lang nila Jonas at Elle pati si Zedd. Ipinakilala ko sila kay Jazon.

"Aaahh.. Ikaw pala yung kinukwento ni Kyra na Ex-brother nya?" sabi ni Jonas.

"Yup." biglang tinabihan ni Zedd si Jazon.

"Haha! Ibig sabihin.. marami kang tinatagong secret kay Bebe Kyra?" Haru! Narinig ko yun! O_O

"Bakit 'Bebe Kyra'?" tanong ni Jazon.

"Nililigawan ko kasi sya, eh! Siguro naman marami kang alam tungkol sa kanya?" Tumingin sa akin si Jazon. Hindi ko alam kung ano irereaksyon ko. "Nililigawan ko kasi sya kahit hindi nya gusto. Ayos lang naman siguro sayo naligawan ko sya, kasi hindi mo na rin naman sya kap---"

"Kapatid ko pa rin sya.." cold voice na sabi ni Jazon kay Zedd. Mukhang hindi makapagsalita si Zedd, obvious kay Jazon na ayaw nya itong paligawan sa akin. Nagtataka na ko.. -.-

"Hoy Kayo! Tara magsayawan tayo! Tara, wafilabs!" sabay hila kay Ammie sa dance floor. Ganun din sina Jonas at Elle.

NAiwan kaming tatlo. Ako, si Jazon at Zedd.

"O sige. Pero.. pwede ko bang sayawin muna ang EX-sister mo?" paalam ni Zedd kay Jazon. Talaga diniin nya talaga yung 'EX'. =_=

"Sure. Go ahead."

At hinawakan na ni Zedd ang kamay ko tsaka na ko hinila sa sa dance floor. Kay Jazon nagpaalam sya, pero sa akin HINDI?

Do Love Me (YongSeo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon