CHAPTER 26: Sleep over..

Magsimula sa umpisa
                                    

Umayos sya ng upo. "Eh kasi.. sa totoo nyan, ayaw talaga namin natanggapin ni Mama itong kwwintas kasi mamahalin. Nakakapanghi---"

"Yup. I know. Nakakamiss yung sermon ni Mama, nasermon nga ko, eh! Haha!"

"Nagpakita ka na kay Mama? O_O"

"Oo, kanina lang. I surprised her. Looking young pa rin si Mama. Kailangan na nating umalis, lumalakas na ang ulan."

But before I start the engine. Lumapit ako kay Kyra na hirap na hirap hilain yung seatbelt. "Ako na." sabi ko.

(Kyra's POV)

Lumapit sya sa akin. Bago nya isuot yung seatbelt sa akin, hindi ko alam pero.. siguro 5seconds kami nagkatitigang dalawa, ang lapit ng mukha nya sa akin.. at amoy ko yung pabango nya, nakaka-adik.. WAAAH! ANO BA 'TONG PINAGSASABI KO?? >.<

After 5seconds. Hindi ko na malayang naikabit na nya pala yung seatbelt sa akin. Lumayo na sya sa akin, pagkatapos nyang isuot yung seatbelt nya ini-start na nya yung sasakyan.

Ngayon ko lang napansin. Ang daming nagbago sa kanya.. naghihikaw na rin sya sa tainga.. hindi mukha sa kanya ang isang genius..

- - - - -

(Francis's POV)

~Company~

Sinimulan ko ng hawakan ang company ni Daddy Fred. Medyo.. mahirap na nakakabored din pala.. ano ba namang magagawa ko. Sabi ni Mommy na wag daw akong pumalpak, kundi.. mawawala na talaga sa kanya ang lahat. Pera at sarili lang ang iniisip nya, ako lang ginagawa nyang susi sa mga plano nya.

May kumatok. "Pasok." sabi ko naman.

"Sir, you need to sign all of this."

Taeng mga papel yan! Bakit ang ang dami?! =_=

Tinigna ko naman kung ano naksaad sa papel.

"Limpson University?" tanong ko sa secretary ko. Akala nyo si Jazon lang may secretary? Psh! Meron din ako, noh?

"Humihingi sila ng permission mula sa inyo dahil kayo naman ang may hawak ng company. Gusto po sana ng LU (Limpson University) nila na dito mag-OJT (On-the-job training) ang mga student po nila dito. There are taking Business Management."

Nag-isip-isip muna ko ng ilang segundo.

"O sige." pinirmahan ko na yung papel. "Kailan sila magsisimula dito?"

"At the end of this month."

"Ah, sige. Approved na."

"Thank you, sir." pagkatapos umalis na ito ng office ko.

Kaya naman ako pumayag para naman may makita akong bagong tao. Nakakasawa na mga pagmumukha dito sa office.

- - - - -

~Bahay~

(Kyra's POV)

Pagdating namin sa bahay, sinalubong agad kami ni Mama. Nagulat nga nang makita kaming basa..

"Bakit kayo basang-basa? Anong nangyare?" sabi ni Mama.

Nagsalita si Jazon. Ahuhu~! Wag mong sasabihin kay Mama tungkol sa nangyari kanina, Jazon.

"Ahh.. kasi po.." nagtinginan kaming dalawa. Tinikom ko ang bibig ka tsaka ko sya binigyan ng 'Wag-mong-sasabihin-look'. Tumingin ulit sya kay Mama. "Na pagtripan lang po naming.. magpaulan kanina.." napakamot sa ulo si Jazon.

Gandang palusot eh, noh?

"Kayo talaga." biglang kumulog ng malakas. "Jazon, malakas na ang ulan. Dito ka muna. Masyado ng delikado sa labas."

Nabigla naman kami sa sinabi ni Mama.

"Pero ma---"

"Wag kang mag-aalala, may mga damit ka pa dyan na karsya pa sayo. Teka hahanapin ko muna. Kyra, magpalit ka na."

"Oo ma." dumetso na ko sa kwarto ko.

- - - - -

Gabi na.. pero hindi pa rin tumitila ang ulan. Tuloy-tuloy pa rin ito sa pagbuhos. Haruuu~ ayaw pauwiin si Jazon, ah! >_> Suot nya ngayon yung PE uniform nya noong 4th year high school sya. Medyo maliit at fit na sa kanya yung t-shirt. Bitin na rin sa kanya yung jogging pants.

Nandito lang kami dalawa ni Jazon sa sala. Si Mama naman hinahanda na ang hapunan. Kwentuhan lang kami ng kwentuhan. Ang dami kong ngang tanong sa kanya. Kung maganda ba talaga sa America? Kung ano itsura ng eskwelahan nya? Tapos sa Harvard University daw sya nagcollege. Edi sila na talaga mayaman. >3>

"Gusto mo ipakilala kita sa mga bagong kaibigan namin?"

"Sure. Bukas sunduin kita ulit, isabay na natin si Ammie. Gusto kong makapagbonding ulit sa kanila."

"Ah! Sige! Sige! ^___^"

"Mga anak. Halina kayo, kakain na." tawag sa amin ni Mama.

Habang kumakain kami. Hindi lubos isiping.. kasabay ulit naming kumakain ang tinuring kong Kuya.. Kung sanang ibalik lahat ang nakaraan at wag nang malaman pa ang totoo.

"Anak, dito ka na matulog, hah?"

"Sige po ma. Halata naman pong ayaw akong pauwiin, eh! Haha!"

Pagkatapos naming kumain. Tumambay na muna si Jazon dito sa kwarto ko.  Umupo ito sa kama ko.

"Hanggang ngayon amoy amag pa rin ang kwarto mo? Tss.."

Ah ganun?!

*Pak!*

Hinampas ko sya ng unan "Aray!" sabay ayos sa buhok nya. Arte~!

"Excuse me! Hindi noh!. Sayo nga puro agiw, eh! Eeew~!"

"Natural matagal ng naging bodega ang kwarto dahil wala ako. Matulog ka na nga, magtitingin lang ako ng mga collection mo dito."

"Bahala ka." humiga na ko. Bahala sya dyan.

"Goodnight." pahabol nya.

"Ge. Same to you." pinikit ko na ang mga mata ko. (U.U)zzzZZ...

(Jazon's POV)

Mahimbing na ang tulog ni Kyra. Lumapit ako sa kanya. Naka-side ito ng higa. Tinitigan ko lang sya ng matagal.. Inayos ko kung bangs nya. Habang pinagmamasdan ko ang mukha nya na ubod ng ganda.. hindi ko mapigilang hindi ilapit ang mukha ko sa kanya ng dahan-dahan sa kanya.

"Jazon.."

Nailayo ko ang mukha ko sa gulat ng marinig ko si Mama. Nasa likod ko si Mama ngayon.

"Ma.."  hindi ko inaasahang makikita ako ni mama ng ganung posisyon.

"Anong.. ginagawa mo?"

"W-wala po ma.. may parang langgam kanina sa mukha ni Kyra kaya tinanggal ko." Tengene palusot yun! >__<

"O sige. Matulog ka na. Nakaayos na ang kwarto mo."

"Sige po ma. Thank you po." nilingon ko ulit si Kyra. 'Muntik na..' bulong ko sa isip ko..

Do Love Me (YongSeo FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon