Chapter 49- I'll be okay

Start from the beginning
                                    

Oh God, if this is just a dream please don’t wake me up forever. If this is the only thing I can be with her.. please don’t wake me up.

“I’m okay.”

Nagtungo kami sa loob ng theater kung saan nasa harapan ang reserved seats para samin,inalalayan ko siya hanggang sa makaupo doon.

I wanted to treat her as a princess.. my princess.

Masama ba kung aaminin ko sa inyo na gusto kong marealize niya na mas okay ako kay Bryan? Gusto kong ako ang mahalin niya, because I’m sure na kung ako ang pipiliin niya ay hindi ko siya kailanman sasaktan. Lagi ko siyang aalagaan at babantayan.

Bryan doesn’t deserve her. He’s not good enough for her. Lian is like a gem, she needs to be well taken care of.

But he did nothing but hurt her and made her cry all the time.. Hindi ko ata kakayanin na sa isang tulad niya mapupunta si Lian.. Hindi ako naniniwalang mahal niya si Lian, because if he loves her, hindi niya ito paiiyakin..

Kasi kung ako siya.. hindi ko siya kayang makitang umiiyak. Hindi ko kayang umiyak siya ng ako ang dahilan.. It will kill the shit out of me.

Tumabi ako sa kanya at dahang-dahan inilagay ang kamay ko sa likod niya. Hindi naman siya nagreact, sanay na sya sakin. And that’s a good sign, right?

Ang gabing ‘to ang isa sa mga pinakamasayang gabi ng buhay ko, dahil kasama ko siya.. sa harap ng maraming tao, sa harap ng media. I really don’t care kung ma-issue na kami na. Pabor sa akin yun, pero hindi ko lang alam kay Lian..

Nasa kalagitnaan na kami ng movie ng naramdaman kong niyayakap niya ang sarili niya. Mabilis kong hinubad ang coat ko at inilagay sa likod niya.

“Thankyou.”

“You’re always welcome.” iniyakap ko sa kanya ang isang kamay ko at hinalikan siya sa ulo. I felt her stiffened pero maya-maya ay inihilig na din ang ulo niya sa dibdib ko..

Sht. Sht. Hindi ko maalis ang ngiti sa mga labi ko, pakiramdam ko ay naka-plaster na yun at hindi na maiaalis pa. Nararamdaman ko, may pag-asa pa ako sa kanya.

Natapos ang movie na kahit ata nasa kalagitnaan ng nakakaiyak na parte ay nakangiti ako. Well, sorry. Sobrang saya ko lang talaga.. nagkaroon ng sandaling inteview pero hindi na sumama si Steff at naghintay nalang sa upuan.

It’s already 10 pm ng pwede na kaming makauwi. Niyaya ko muna siyang magdinner sa isang restau along the way bago umuwi.

“You know, this is one of the happiest day in my life.” honest kong sabi sa kanya habang hinhintay namin ang in-order namin.

Tinitigan nya ako and I saw how misty her eyes was. Anong problema nya? Bakit kanina pa siya parang laging naiiyak? Is there something that I don’t know?

“Jake.. why did you love me?” halos garalgal ang boses nya ng tinanong nya ako. Hindi pa ako maka-recover sa tanong nya, why is she asking me that kind of question?

“I ah--- Why Lian? Is there something wrong?”

“Just answer me please?”

I look at her puzzled. “I don’t know.. I just fell inlove. Nung una kitang nakita, nung unang beses mo akong kinausap nung nasa Korea tayo, nakuha mo na yung atensyon ko.. That was the very first time I felt I wanted to protect and love someone, and that was you.. Hindi na kita maialis sa sistema ko. Hindi ko mapakawalan ang alaala mo. Everytime I remember the way you talk, it always astound me. Dahil wala ka sa tabi ko, I always re-live that moment we talked.. I love you from the very first time I saw you.. I love you since I laid my eyes on you. And I don’t know if I have valid reasons, because I don’t care if I don’t. All I know is I love you, Lian.” maramdamin kong sabi.

Be MineWhere stories live. Discover now