Yung unang puso ang binuksan ko, may nakasulat na... WILL

Yung second... YOU

Yung third... BE

Tumingin ako kay Dave na nasa gilid ko lang at pinapanood akong magbuksan ng mga hearts. Kinakabahan ako. Nakangiti lang siya sa akin at sinenyasan akong ipagpatuloy lang ang ginagawa ko.

Yung fourth... MY

Nanginginig na ang kamay ko. Ano bang trip nitong si Dave? Ang dami nang taong nakatingin sa amin ngayon. Open ang garden ng school kahit sa sinumang estudyante lalo na ngayong uwian na. Shocks, hindi ko pa naman kaya kapag maraming taong nakatingin sa akin.

"Anna... Last one. Buksan mo na." utos niya. Napansin niya sigurong nag-aalangan akong buksan ang huling heart.

"Dave, ano ba 'to?" tanong ko sa kaniya. Nginitian niya lang ako bilang tugon at sumenyas na buksan ko na ang huling heart.

Yung last na heart ay may nakasulat na.... GIRLFRIEND?

WILL YOU BE MY GIRLFRIEND?!?

Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kung anong sentence ba ang binuo ng limang hearts na 'to. Seryoso ba siya? Agad agad?

Narinig ko naman ang sigawan at tilian ng mga tao. What the...

Naramdaman ko na hinawakan ni Dave ang magkabilang balikat ko at iniharap niya ako sa kaniya. Nakangiti siya sa akin at parang ang saya saya niya. May hawak siyang bouquet of flowers at yung heart na box na hawak niya kanina pa nung makasalubong namin siya sa hallway. Ibinigay niya sa akin ito at hindi ko naman magawang tanggihan.

"Yes or no?" tanong niya sa akin na dahilan para magsigawan lalo ang mga estudyanteng nandito. Wala akong maisagot. Nanatili lang akong nakatingin sa mga mata. Ayokong pahiyain siya.

"Abrianna, please. Give me a chance. I'll help you. Tutulungan kitang makamove on. Alam kong si Darren ang gusto mo pero pwede pa namang nagbago yun diba? Just give me a chance. I'll never leave you and I will never hurt you. Trust me. Hindi ko gagawin sa'yo yung ginawa ni Darren. Magiging mabuti akong boyfriend sa'yo. Hindi mo deserve ang taong walang paninindigan, yung taong hindi naman kayang patunayan na mahal ka talaga." sunod sunod niyang turan. Napataas naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Bakit kailangan niyang i-compare ang sarili niya kay Darren? Hindi ko nagustuhan ang mga narinig mula sa kaniya.

"First of all, hindi niya ako iniwan. At never niya akong sinaktan. Ganyan ba ang diskarte mo, Dave? Ikukumpara mo ang sarili mo sa ibang tao para maiangat mo ang sarili mo? Sorry, pero hindi ko gusto yung ganyang diskarte. At wala kang karapatan na pagsabihan si Darren na walang paninindigan dahil wala kang alam. Excuse me." inis kong sambit at ibinalik sa kaniya ang bulalak at box na binigay nya sakin at tuluyang nilisan ang lugar na yun. Narinig kong tinatawag pa rin niya ako pero hindi na akong nag-abala pang lumingon.

Uminit ang ulo ko. Hindi ko nagustuhan ang mga sinabi niya. Wala siyang karapatan na sabihan si Darren nang ganun. Buti ay nakapagtimpi pa ako kundi baka nasampal ko na siya sa harap ng madaming tao.

Nagmadali na akong lumabas ng school nang may nakabangga akong isang lalaki.

"I'm sorry." sabi ko dito.

"I-Ikaw po si Abrianna diba?" tanong niya.

"Oo, bakit?" nagtataka kong sabi. Hindi siya nagsalita at binigyan niya lang ako ng isang maliit na box na color purple. Nagtataka man pero tinanggap ko ito.

"T-Thank you." sabi ko sa kaniya at pilit na ngumiti.

"Hindi po sa akin galing 'yan." sabi niya.

"Eh kanino?" tanong ko.

"Basta po. Sige po, alis na po ako." sabi niya saka nag-bow siya sa akin at umalis.

Nagtatakang tumingin ako sa maliit na box na ito. Dahan dahan ko siyang binuksan at nagulat ako nang makita ko ang isang singsing. Ang ganda! Mukhang mamahalin at tunay talaga. Sino namang magbibigay sa akin nito?

Nagpalingon lingon ako sa paligid ko pero halos lahat ng tao ay busy sa pakikipag-usap sa mga kasama nila at may mga ibang ginagawa.

Nagulat ako nang mapansin may maliit na papel na nakatiklop ang nakalagay sa box kasama ng singsing.Kinuha ko ito at binuksan.

Dapat kapag bumalik ako, suot pa rin ito. Happy valentine's day! -D.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Si Darren ang nagbigay ng singsing na 'to! Pero paano?

Nakangiti ako habang isinusuot ang ring na ito. Biglang nawala lahat ng galit at inis na naramdaman ko kanina dahil kay Dave. Gusto ko tuloy bumalik sa garden at isampal sa kaniya 'tong singsing at ipamukha sa kaniyang hindi ako iniwan ni Darren.

Alam kong nandito lang siya. Hindi niya ako iniwan. Malapit lang siya dito. Nararamdaman kong malapit na rin kaming magkita ulit. Nararamdaman kong malapit na siyang bumalik. Basta maghihintay lang ako.

• • •

So ayun na nga... Hahahaha. Pinilit ko lang mag-update kasi ang tagal na nung last update ko lol. Kaya sorry kung ang sabaw ng update ko ngayern. Hahaha. Tenks nga po pala sa 10K reads! Labyu all! 💚

TW/IG: @tsinigowden
YouTube: Tsini Gowden

EscapeWhere stories live. Discover now