"Sir, sila po si Miss Olivar at Miss Sanchez." sabi ng manager na agad tumayo nang makita ang boss niya

Tumango lang ang lalaki at sinenyasan niyang lumabas ng opisina kaya lumabas siya. Naiwan kami ni Beth kasama ang dalawang lalaking kararating lang. Mukhang malapit lang ang opisina nila dahil nakarating sila agad.

"I'm Calvin Baltazar, owner of Royal Grandia Real Estate." pagpapakilala nito at nilahad ang kamay sa akin

Makikipagkamay na sana ako sa kanya nang biglang naalala ko ang panahon na college pa si Grayson. Madalas tumambay si Grayson sa mansion ni lola kahit noong college kasama ang ilang mga malapit na kaibigan niya.

"You're Cali, right? Kung hindi ako nagkakamali isa ka sa mga kaibigan ni Grayson noong college. Kasama ka din noong nasangkot sa gulo si Gray." nakakunot-noong sabi ko sa kanya

Mukhang hindi ako nagkamali dahil bigla siyang tumango at maya maya ay marahang tumango. May malawak na ngiti sa labi nito.

"So you still remember me." natatawang sabi nito

"How can I forget you kung kasama ka lagi ni Grayson tuwing nasasangkot sa gulo. Wait. You still have another friend, right? Si Prince." nakangiting sabi ko sa kanya

Naiinis ako sa kanila dati dahil lagi silang nasasangkot sa gulo pero ngayon ay tinatawanan ko nalang dahil mga immature nga naman sila noong mga panahong iyon.

"Yes. I thought you already forgot about us." nakangiting pa ring sabi nito

"About Prince. I saw his ex-girlfriend dahil pinsan siya ng fiance ng bestfriend ko. Her name is Corrine." nakakunot noong sabi ko dahil noong nakita ko siya ay alam kong pamilyar siya sa akin pero bukod sa pagiging kaklase siya ni Grayson at girlfriend dati ni Prince, alam kong nakita ko na siya sa ibang pagkakataon

He knotted his forehead at me na parang naguguluhan siya. Ilang segundo siyang natahimik bago nanlaki ang mata niya na parang may naalala.

"You saw her? Wait. Nakita din ba siya ni Grayson?" gulat na sabi nito

Nagtatakang tumango ako sa kanya dahil parang big deal na nakita namin siya ni Grayson.

"Thalia is Grayson's cousin, right? She's also your bestfriend and you saw Corrine in that gathering. How did she react? How about Grayson?" sunod sunod na tanong nito sa akin kaya mas lalo akong nagtaka

Napaisip ako sa reaction nila Grayson at sa pagkakatanda ko, Grayson looked normal while Thalia she looks like mocking her or something. Well, she's always mean whenever she wants to.

"They both looked normal to me." kibit balikat na sabi ko

"You don't remember her, do you?" tanong nito habang nakatitig sa mukha ko

"I do. Kaklase siya ni Grayson dati and Prince's girlfriend in your college days." I nonchalantly said dahil parang wala namang patutunguhan ang usapan namin

Suminghap siya at nailing-iling habang pinagmamasdan ako. I can clearly see amusement in his eyes na hindi ko alam kung para saan.

"You were in swimming team before, right? She locked you in your locker room when you were in your last year of high school." naiiling na sabi pa rin nito

Kumunot ang noo ko dahil hindi ko naman naaalalang ganoong insidente. Na-lock ako sa locker room noong high school pero ang alam ko ay sira yung lock ng pinto noon kaya nasaraduhan ako.

Though I remember Thalia being so mad but I can't remember why. Well, she's always short-tempered kaya hindi na bago iyon sakin.

"Prince and Grayson had a fight because of that. Nagkaayos din sila pero nag-away ulit sila nang malaman nila na may gusto si Corrine kay Grayson and the rest is history." pagkwekwento nito

The Wife's AgonyWhere stories live. Discover now