[44] Last Chapter

2.5K 88 8
                                    

Chapter Forty-Four: Last Chapter

Ada's PoV

Napailing na lamang ako pagpasok ko sa loob ng mismong mansion ng mga Wild Dragons.

Parang hindi sila nauubos? Daig pa nila ninja na bigla nalang sumusulpot.

"Sis, kaya mo na yan." lokong to. Kalalaking tao duwag! "Di ako duwag ah, kaya mo naman na kasi talaga mag-isa eh." mind reader.

Napangisi ako.

Nakakaramdam na naman ako ng matinding pagnanasa na pumaslang.

"YAAAAAAHHHHH!" halos sabay-sabay silang sumugod sakin pero yumuko lamang ako saka inislash paikot ang aking gintong katana sa mga bewang nila.

"FVCK!" sigaw nitong nasa likuran ko. "MAUNA NA AKONG HANAPIN SI KUYA!" sigaw niya saka patakbong tinungo ang hagdan.

May mga sumasalubong din sa kanya kaya bnabaril niya ang mga ito.

Itinuon ko na lamang ang pansin ko sa mga kalaban na parang hindi nauubos.

Lintek!

Ang dami ng talsik ng dugo sa buong katawan at mukha ko.

Kaya lalo akong ginaganahan eh.

Nakarinig ako ng ilang putukan.

Napangiti ako.

Sigurado akong nagtagumpay sila.

Isang kalaban nalang ang natitira.

Mukhang magaling ang isang ito.

Ang dami pang kayabangang ginagawa. Akala yata masisindak niya ako?

Napailing-iling nalang ako. Tsk.

Busy pa din siya sa pagpapasikat sakin sa pamamagitan ng pagpapaikot-ikot niya ng tubo sa kamay niya.

Sa inis ko binato ko sakanya ang katana ko na parang sibat. Pfft.

Three points!

Sapul sa noo.

Wala na siyang malay na humandusay sa sahig.

Tsk. Tsk.

Dami kasing alam.

Nakarinig ako ng putok na nanggaling sa itaas.

XANDER!?

Patakbo akong umakyat sa hagdan. Pagdating ko sa second floor ang daming kwarto. Shit!

Nasaan sila???

"Nasa pinaka-tuktok ang opisina ni Rafael, naroon siya madalas."

Naalala ko na! Sinabi nga pala sakin ni Clara yon.

Si Clara. Napangiti ako nang maalala siya.

Iyak siya ng iyak sa cellpone nung makausap ko siya. Paulit-ulit siyang humihingi ng tawad.

Pinatawad ko na siya. Hindi ako sigurado kung mapapatawad pa siya ni Kerson.

Si Kerson!?

Ayos lang kaya siya?

Napahawak ako sa labi ko. Nasabi ko din sakanya na Mahal na mahal ko din siya.

Para akong nakahinga ng maluwag at para akong nasa cloud nine nung mga oras nayon.

*BANG*

Para akong nagising sa katotohanan dahil sa putok ng baril.

Agad akong tumakbo uli paakyat. Langya! Wala bang budget si Rafael pampagawa ng elevator? Tsk.

Finding Queen SatanaWhere stories live. Discover now