[36] Clara Johnson

2.5K 90 2
                                    

Chapter Thirty-Six: Clara Johnson

Ada's PoV

ANDERSON'S MANSION.

"Sino pa bang hinihintay natin?" naiinip na tanong ni Steven Knight sa kakambal niyang si Stephen Knight na tahimik sa isang tabi.

"Hoy, pangit! Di ka makapaghintay?" asar ni Clow Smith sakanya.

"Hoy ka din! At excuse me, hindi ako pangit, mas pangit ka! Tsaka ikaw ba kausap ko?" pambabara naman nito.

"Hindi. Nagtatanong lang! Masama ba?! Hoy! Saka Alaga sa beauty soap at whitening lotion ang kutis ko kaya mas pangit ka!" sagot naman ni Clow Smith.

"Kahit babae ka papatulan kita!" tumayo si Steven at inambahan si Clow, ganun din si Clow.

Wala namang umaawat sakanila na mukhang nag-eenjoy pa sa eksena nitong dalawa.

"Sa ganyan nagkatuluyan ang Lolo't  Lola ko eh!" parinig ni Lawrence na katabi ni Maaya. Nagkabalikan na ba sila?

"Oh, talaga tol!? Pareho tayo! Pati nga daw yung Nanay at Tatay ng kapitbahay namin sa ganyan din nagkatuluyan eh!" dagdag pa ni Kobe. Mga siraulo talaga!

"Mga ul0l!" sigaw ni Steven sakanila tsaka bumalik sa pagkakaupo kaya nagtawanan sila.

Nakasimangot din na bumalik sa kinauupuan si Clow. Tsk.

"Senyorita, may mga bisita po kayo." sabi ng isa sa mga maid dito sa bahay.

"QUEEN!" alam niyo na siguro kung sino yan?

Para namang naalerto ang anim na miyembro ng Hell's Hood kaya isa-isang dumukot ng baril at tinutukan ang lima na bagong dating.

Napataas naman ng kamay yung apat at namumutla pa.

"Hey! Ibaba niyo nga yang baril niyo!" sigaw ni Clow at hinarangan ang bisita.

Ang Rainbow Hood.

Sina Stone, Blue, Lux, Heaven at Blond.

"Anong ginagawa nila dito, Angel?" tanong ng katabi kong si Kerson. Siya lang naman ang bulag na bulag na mukha akong Anghel eh. Psh.

"Ibaba niyo yang mga baril niyo, hindi sila kalaban." sabi ko kaya alanganin namang ibinaba nung anim ang mga baril nila. "Bakit kasama sila?" baling ko kay Stone na ang tinutukoy ay ang mga ka-gang niya.

"Queen---" ayan nanaman tayo sa Queen Queen na yan! Argh!

"SATANA!" pagdidiin ko.

"---Uh, S-satana pala, hm. Makakatulong din sila. Ang buong Rainbow Hood kakampi ninyo." sinserong saad niya.

Pero itong katabi ko--- "Hindi namin kailangan ang tulong niyo. Lumayas na kayo." napanganga naman yung Rainbow Hood at Triplets sa sinabi niya.

Samantalang ako, seryoso lang. Ano naman kayang pumasok sa kukote nito at--- "Lalo na kung sa tingin mo palang sa Angel ko parang hinuhubaran mo na siya, BLUE." Watdafvck!?

Napatingin ako kay Kerson pagkatapos kay Blue na nag-iwas ng tingin sakin.

Pagtingin ko naman sa mga kasama namin mga namumula na sila sa kakapigil ng tawa.

Pakening!?

"Aray naman Angel!" sa inis ko binigyan ko nga ng isang batok. Kaurat!

"Akala ko kung anong malalim na dahilan ang meron kang kutong lupa ka!" bulyaw ko sakanya habang naka-cross arms.

"Bakit hindi ba malalim na dahilan yon? Ays!" sabi niya habang hinihimas ang ulo niya.

Sinamaan ko nga ng tingin si Blue. "Sa susunod na gawin mo yon at makita uli ng kutong lupang 'to, dudukutin ko yang eyeballs mo at ipapakain ko kay serpentina." banta ko kay Blue.

Finding Queen SatanaWhere stories live. Discover now