[15] In a relationship

3.1K 87 9
                                    

Chapter Fifteen: In a relationship





Ada's PoV

Ang daming ibang student na galing sa iba't-ibang university.

Papunta ako ngayon sa room ko, ichecheck ko lang kung may klase kami ngayon.

Habang naglalakad ako, di ko maiwasang hindi mamangha sa mga nakikita ko.

Puro kasi red rose petals kasi sa flooring.

Paakyat na ako sa second nung may kumalabit sakin at pagharap isang cute na freshmen college girl ang nakita ko.

"Uh, bakit?" tanong ko sakanya tapos may inilabas siyang isang red rose mula sa likod niya at iniabot niya sakin.

"May nagpapabigay po." sabi niya tsaka binigay sakin yung rose.

Kinuha ko naman iyon at binasa yung nakasulat doon sa card na nakalagay doon.

I means Me.

Itatanong ko pa sana doon sa freshmen girl kung kanino galing yun pero wala na siya.

Hinanap ko pa siya sa paligid pero wala na siya.

Napailing nalang ako tsaka nagsimula ng umakyat papuntang second floor.

May rose petals pa din hanggang dito.

Sino kayang may pakana nito.

Paakyat na ako uli papuntang third floor nung may humarang naman sa akin na sophomore college girl.

Napakunot naman yung noo ko sakanya.

"Yes?" sabi ko nalang.

May inilabas din siyang one red roses mula sa likuran niya at iniabot sakin yun.

Kinuha ko nalang iyon tsaka binasa yung nakasulat sa card.

Love means a feeling of strong affection for a person.

Cheesy naman nito?

Baka naman nagkamali lang sila ng inaabutan?

Sino naman kayang gagawa ng gantong ka-cheesy-han sakin?

Wala naman sa itsura ni Kerson.

Teka?

Nasaan na nga pala yun?

Ni hindi man lang nagtext sakin simula kagabi.

Napabuntung hininga nalang ako nung maalala ko si Kerson.

Namimiss ko na kasi siya.

Nagbago na yata yung isip niya.

Saktong pag-tuntong ko sa third floor nung may humarang nanaman saking Junior College girl.

Wag niyang sabihin na may red roses nanaman siyang iaabot?

Hindi naman ako nagkamali dahil may inabot nga siyang red rose sakin.

Bago ko kuhain yon ay tinanong ko na siya.

"Yung totoo, Miss? Para ba talaga sakin yan?" sabi ko pa tsaka inayos yung eyeglasses ko.

Sinuot ko uli ito kasi hindi naman ako sanay sa contact lense.

"Opo, tanggapin nyo na po." sabi niya.

Pagkaabot ko nung rose ay bigla siyang tumakbo paalis.

Anyare dun?

Binasa ko uli yung nakasulat sa card.

Finding Queen SatanaWhere stories live. Discover now