[10] New Characters

3.4K 90 11
                                    

A/N: Dedicated to JoelKhevinTaneo





Chapter Ten: New Characters

















Ada's PoV







"Kaya mo pa bang maglakad?"

"B-bakit n-nanditon k-ka?"

"Hindi na mahalaga yon, ang importante maitakas kita dito."

"Tsh. I-ikaw? I-itatakas ako? D-dapat nga n-nagpapakasaya k-kana n-ngayon."

"Pwede ba. Hindi ako ang kaaway dito. Kahit anong gawin at sabihin mo ako nalang ang pag-asa mo para mabuhay pa."

"Ada? Okay ka na ba?" naramdaman kong may yumuyugyog sa balikat ko kaya nagmulat ako ng isang mata.

Paniginip nanaman pala? Bakit ba palagi nalang ganun yung napapanaginipan ko?

Imposible namang ako yun. Tsk, pano ko ba naman makikilala kung hindi naman malinaw yung mga mukha nila sa panaginip ko.

"Hala, baka naman nalipasan ng gutom yan si Ada? See, tulala na eh. Bwisit na Hellminton yon! Gugutumin lang pala tong si Ada." Kit. Kasama din niya sina Yumi at Aya.

Binatukan naman siya ni Yumi.

"Sira. Kita mong kakagising lang ni Ada eh. Malamang pinaprocess niya pa sa utak niya yung nangyare." Yumi.

Nangyare? Ano nga bang nangyare kanina.

Inalala ko naman yung nangyare.

Kumirot yung ulo ko nung makita ko yung lalaking mestisuhin kanina, pagpunta ko sa sala hindi ko na talaga kinaya. Kaya siguro nawalan ako ng malay.

"A-anong oras na?" tanong ko sakanilang tatlo. Bumangon na din ako ng tuluyan. Pero nanatili lang akong nakaupo dito sa kama ko.

Nakaupo silang tatlo sa kama ko.

Nilibot ko din ang mata ko sa buong kwarto.

Nandito pala ako sa dati kong kwarto dito sa mansion.

"It's already 9pm. Nagugutom ka ba? Magpapaakyat ako ng dinner kay Manang." alok sakin ni Aya.

Tumango lang ako tsaka siya kumontak sa telepono sa tabi ng kama ko para tumawag sa kusina.

"S-sino nga pala yung lalaking mestiso kanina?" tanong ko.

Si Yumi ang sumagot. "Hindi mo ba siya naaalala, Ada? He's Xander. Childhood friend natin siya. Umalis siya ng Pilipinas right after ilibing ang Mommy niya before nang accident between you ang your parents." napatingin ako sa huling sinabi ni Yumi.

Finding Queen SatanaWhere stories live. Discover now