[17] Tears

2.9K 87 6
                                    

Chapter Seventeen: Tears







Ada's PoV

["A-ada, kailangan ka ngayon ni Kerson nandito kami sa Davis Doctors Hospital. May nangyaring masama sa Parents niya."]

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa narinig ko at nabitawan ko ang cellphone ko.

Naramdaman ko namang lumapit ang triplets sakin tsaka ako inalalayan paupo sa sofa.

"Anong nangyari, Ada?" nagtataka at nag-aalalang tanong nila sakin.

Napatingin naman ako sakanilang tatlo.

Tama.

Kailangan kong puntahan si Kerson, kailangan niya Ako.

"S-samahan niyo ako sa Hospital nyo. Ngayon na." sabi ko at nagmamadaling lumabas ng unit ko.

Nakasunod naman silang tatlo. Agad-agad akong sumakay ng elevator, bago pa man iyon sumara ay nakapasok na sila.

"Jusko naman, Ada! Ano namang gagawin naten don?" naiiritang sabi ni Aya.

Tumulo na yung luha ko.

Natatakot ako sa posibleng nangyare sa parents ni Kerson.

Kahit kanina ko lang sila nakilala ay magaan na ang loob ko sakanila, marahil ay nakikita ko sa kanila ang pagmamahal ng isang magulang.

"Lagot ka, Maaya. Ang daldal mo kasi e. Ayan umiyak tuloy si Ada!" saway ni Kit sakanya.

Sinaway naman sila ni Yumi.

Napapunas naman ako sa mga luha ko.

Bahagyang tinapik ni Yumi ang balikat ko.

"Nandito lang kami sa likod mo." sabi niya sakin.

Pagbukas na pagbukas nang elavator ay patakbo na kaming tumungo sa kotse at walang habas na pinaharurot ito ni Aya.

Wala pang bente minutos ay nasa tapat na kami ng DDH kung nasaan si Kerson at mga magulang niya.

"Miss, may dinala ba ditong Mattias at Karina Hellminton?" tanong ko sa nurse station. Saglit itong tumingin sa log book at tumingin muli sakin.

"Yes po, Miss Anderson, nasa Emergency room---"

Hindi ko na siya pinatapos magsalita at agad na akong tumakbo papunta sa Emergency room kasunod ko pa din sina Aya.

May nakasalubong pa kami mga doctor.

Naabutan kong nakaluhod si Kerson sa sahig habang paulit-ulit yung sinusuntok habang lumuluha.

Sina Hansel, Lawrence at Kobe naman ay inaawat ito.

Parang nadudurog ang puso ko sa nakikita kong kalagayan ni Kerson.

Dahan-dahan akong lumapit sakanya.

Tumigil na siya sa pagsuntok sa sahig, hindi niya rin namalayan na nandito na ako sa tapat niya.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamao niya nagdurugo.

Alam kong nagulat siya pero hindi naman siya tumutol.

"K-kerson... Nandito lang a-ako... Para sayo..." naluluhang sabi ko.

Umangat ang tingin niya at nabigla na lamang ako ng bigla siyang tumayo dahilan para mabuwal ako sa sahig.

Inalalayan naman ako ni Hansel na tumayo.

Ngunit ang mas ikinagulat ko ay hawak-hawak ni Kerson ang pinsan kong si Kit sa Leeg at sinasakal ito.

"IKAW!!! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!!! MAGBABAYAD KAYO SA GINAWA NG HAYUP NYONG LEADER SA MGA MAGULANG KO!!!" sigaw niya.

Finding Queen SatanaМесто, где живут истории. Откройте их для себя