[31] Rocky Smith

2.5K 82 1
                                    

Chapter Thirty-One: Rocky Smith

Kerson's PoV

Nabigla akong makita si Clow na hawak nina Angel.

Sakto namang nag-iinuman kami nina Ethan at Stephen sa mansion nung nakatanggap ako ng tawag mula kay Angel na pinapapunta kami sa dating unit niya kaya naisama ko sila.

Akala ko talaga papatayin niya na si Clow kanina. Medyo kinabahan ako dahil makakakita nanaman ako ng hinating katawan. Tsk

Ang bakla ko!

Nagmamaneho na ako ngayon papunta sa bar na sinabi ni Stone.

Nasa passenger seat ang Angel ko.

Si Stephen pinauwi ko na, samantalang si Ethan nagpaiwan sa unit.

Balak na sigurong umamin kay Yumi. Tsk, torpe! Pfft.

"Amoy alak ka." napatingin ako kay Angel nung magsalita siya.

"Ah, oo. Nagkayayaan kasi kaming mag-inuman tatlo." sagot ko na diretso na ang tingin sa daan.

"Kaya mo bang patayin sa mismong mga kamay mo si Stone?" sabi niya sakin na ikanagulat ko. Napa-preno pa nga ako eh. Buti nalang nakapag-seat belt kami pareho.

Gulat akong napatingin sakanya. Inaayos niya ang pagkakasukbit sa likuran niya ng kanyang katana.

Napaisip ako sa sinabi niya. Kaya ko nga ba?

Sa totoo lang kakaunti palang naman ang napapatay ko.

"Siguro. Lalo na kapag may ginawa siyang masama sayo." sagot ko tsaka uli pinaandar ang kotse.

Medyo binagalan ko lang, pero hind naman sobra. Gusto ko kasing sulitin tong pagkakataon na kinakausap niya ako.

"Pfft. HAHAHAHAHAHAHAHAHA." Eh? Napa-preno nanaman ako dahil sa halakhak niya.

Pinagmasdan ko ang mukha niya.

Grabe, parang musika sa pandinig ko yung halakhak niya.

Tumigil siya nung napansin niya akong nakatingin sakanya.

Napatingin ako sa mata niya, sa ilong, sa pisngi at sa..

Labi niya...

Parang...

Parang nahihipnotismo ako.

Parang tinatawag ako.

*BEEP* *BEEP* *BEEP*

"SH*T!" mura ko ng marinig ang sunud-sunod na busina sa likuran ng kotse ko.

"Pfft. Kaya ko ang sarili ko. Basta sana, kayanin mo ding protektahan ang sarili mo." mayamaya'y sabi niya. Nagtataka akong sumulyap sakanya saglit. "Si Stone katiting na tinik lang yan sa lalamunan. Pero ang tunay nating kalaban na dahilan ng pagkamatay ng mga magulang natin, napakalaking tinik." paliwanag niya.

Tama siya. Napakalaking tinik nila lalo na't Mafia ang kinabibilangan nila.

"Sa ngayon nananahimik pa sila pero anytime soon gagawa na sila ng aksiyon. Kaya sana lagi kayong handa ng gang mo." sabi pa niya uli.

Tumango-tango naman ako.

Tunay ngang matapang at palaban siya. Parang ang lampa ko kapag kasama ko siya.

"Dito na." sabi niya na itinuro ang gusali na may karatulang Green Bar. "Itabi mo diyan." kaya agad kong ipinark ang kotse ko sa tabi.

Nauna na siyang bumaba sakin.

Hindi naman siya nagmamadali?

Naabutan ko siya sa tapat ng entrance na inaantay ako kaya pumasok na kami nung makalapit na ako.

Finding Queen SatanaWhere stories live. Discover now