[41] Brother?

2.1K 85 2
                                    

Chapter Fourty-One: Brother?

Kerson's PoV

Paglabas ko nang kwarto ni Kobe hindi ko na nakita si Angel.

Nasaan na yon?

"Si Ada ba hinahanap mo?" napatingin ako sa lalaking nakaupo sa bench.

Ito yunh bestfriend ni Kit na kapatid ni Rafael Martin eh.

"Nasaan siya?" walang ganang tanong ko.

"Umalis. Di sinabi kung saan pupunta eh." sagot niya. Akmang hahabulin ko na sana si Angel nung magsalita uli siya. "Wag mo munang sundan. Kailangan muna niyang mapag-isa para makaisip ng magandang plano." sabi niya na hindi tumitingin sakin.

Ays. Kahit nag-aalala ako wala na din akong nagawa kundi maupo nalang sa kalapit na upuan.

Saan naman kaya nagpunta yun? Sabi niya walang aalis mag-isa ah. Pero siya naman pala yung pasaway.

"Nabalitaan kong ipinapatay ni Kuya Rafael ang magulang mo." napakuyom ang kamao ko at napakunot ang noo sa sinabi niya. "Wag kang mag-alala, pagbabayaran niya lahat ng yan." dagdag niya pa tsaka tumayo at nagsimulang maglakad paalis.

Napailing-iling nalang ako.

"Dude, nasaan na si Queen?" napatingin ako sa bagong dating. Si Dark Lord. Nakapamulsa ito habang nakatayo sa harap ko.

Umiling lang ako. Hindi ko naman kasi alam kung saan siya pumunta.

"Pakisabi nalang na tawagan ako kapag kailangan ng back-up, ready kami diyan ng buong gang ko." sabi niya na tinanguan ko lang.

Nagsimula na siyang umalis.

Mayamaya lang ay nagsilabasan na yung mga kulugo sa kwarto ni Kobe dahil may Nurse na pumasok para icheck ito.

"Sana magising na si Kit." napatingin ako sa katabi kong si Ethan. "Naaawa ako kay Kobe eh, halatang nag-aalala siya kay Kit. At hindi siya mapakali hangga't di ito nakikita." dagdag pa niya. "Pfft. Pareho kami. Hindi din ako mapalagay pag di ko nakikita si Yumi eh." nakangiting sabi nito na napapailing pa.

Napasandal ako sa pader.

Ako din.

Hindi ako mapalagay na hindi ko siya nakikita.

"Ah! Bakit ba hindi siya sumasagot?" napatingin ako kay Hansel na aburido. Anong meron sa lokong to?

"Dude, di ka na mahal non! Snob kana! Hahahahaha Pfft!--- ARAY!" asar ni Steven kay Hansel na agad naman niyang binato ng sapatos.

"Pre, nakausap mo ba si Mandy kanina?" baling sakin ni Hansel.

Napakunot ang noo ko, hindi ko pa siya nakikita simula nung isugod dito sina Kit at Kobe.

"Hindi pa. Simula pa nung sinugod sila Kit at Kobe dito." sagot ko.

Lalong mababakas sa mukha niyang ang pag-aalala.

"Uu----" napahinto ako sa pagsasalita nung bumukas ang pinto ng kwarto ni Kobe at nagsisigaw ang Nurse.

"Sir! Bawal pa po kayong kumilos baka mabinat kayo at mapwersa ang mga sugat niyo!" napatakbo na din kami sa pintuan para ibalik si Kobe sa loob.

"Anong nangyari, Miss?" tanong ni Lawrence. Kaming dalawa ang naiwan dito sa labas para kausapin ang nurse.

"Eh, kasi po, tinanong niya sakin kanina kung kamusta na daw si Miss Kit. Kaya sinabi ko pong nasa kabilang kwarto siya at wala pang malay. Tapos ayun, nagwala na po siya." mangiyak-ngiyak na sabi nung Nurse.

Finding Queen SatanaWhere stories live. Discover now