[24] Seriously

3.1K 104 3
                                    

Chapter Twenty-Four: Seriously?





Ada's PoV


"So... Kamusta?" panimula ni Rain.

Tinitigan ko siya. Seryoso? Kinakamusta niya ako? Eh alam naman niyang kaka---

"I mean, kamusta? Uh, a-ano bang nangyare five years ago?" paglilinaw niya.

"Rain is right. What happen, 'Tana?" sabat ni Winter.

'Tana' short for SATANA. Daming alam ng mga yan eh.

Napabuntung-hininga ako.

Kailangan ko naman talagang ikwento sakanila ang buong pangyayari.

Nagsimula na akong magkwento.

Puro panlalaki ng mata, pagkuyom ng kamao, pagmumura at pagsuntok sa mesang kaharap namin ang mga reaksiyon nila.

"Hayup talagang Juno Yamamura na yon!" sigaw ni Rain.

"Bakit... Bakit buhay pa siya???" sabi ni Yumi. Napatingin naman kaming tatlo sakanya.

"Bakit Winter?" tanong ni Sky.

"Nung libing ni Tita Sandra nakita ko si Yamamura kaya sinundan ko siya. Naglaban kaming dalawa. Hindi ako pwedeng magkamali, yung black needles ko ang itinusok ko sa leeg niya." Black needles meaning may lason iyon. Red needles naman ang pampatulog. "Nakita ko pang bumula ang bibig niya at iniwan ko siyang wala nang buhay." kwento ni Yumi.

"Nasiguro mo bang patay na nga siya?" pagkukumpirma ni Rain na nakapagpalaki ng mata ni Winter.

"Sh1t! Ang tanga ko!" sigaw niya at napatayo pa.

"Pero posible ding may tumulong sakanya kung bakit nabuhay pa siya." komento ni Sky.

"Oo. May tumulong nga." pahayag ko sakanila kaya napatingin sila ng diretso sakin. "At kilalang-kilala natin siya." napansin ko naman ang pamumutla ni Rain kahit nakamaskara siya. "Bakit namumutla ka?" tanong ko sakanya.

Napalunok naman siya.

"W-w-wag mong sabihing tama nga ang hinala nina Winter at Sky? Na may kinalaman dito si X-xander?" tinignan ko siya ng diretso.

Tinignan ko din yung dalawa at parepareho silang pinagpapawisan ng malapot.

Anyare?

"Geez! Sina Mommy at Daddy!" sigaw ni Sky at nanginginig na nagdial sa phone niya.

Ah kaya pala. Kasama nga pala ni Xander sina Tita at Tito.

"Walang kasalanan si Xander." sabi ko dahilan para mapahinga sila ng maluwag. Itinabi na din ni Sky yung cellphone niya. "Pero may kinalaman siya." dagdag ko dahilan para sabay silang mapamura at hagilap ng mga cellphone nila. "Tsk. Let me finish the story first, okay. O.A niyo talaga!" saway ko sakanila at nagsimulang magkwento.

---

FLASHBACK

Five years ago.

(A/N: Kadugtong po ito nung bago magising si Ada.)

Iyak ako ng iyak nung ilabas nila ang mga walang buhay na katawan nina Mommy at Daddy.

Parang ayoko nang makita pa ang lahat.

Ilang araw na mula nung mamatay sina Mommy at Daddy ay patuloy pa din nila akong tinotorture.

Finding Queen SatanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon