[37] The Fallen Water and The Bad Weather

2.5K 83 4
                                    

Chapter Thirty-Seven: The Fallen Water and The Bad Weather


Kit's PoV

Nandito ako ngayon sa tapat ng gate ng H.U.

Dissmisal na at may usapan kami ni Pogi na dito magkikita dahil mag-de-date kami sa turo-turo.

Uy, hindi sa naghihirap na kami ah, alam niyo namang favorite ko ang tusok-tusok ni Aling Rochelle taba at yung Lugaw sa Lyka and Jenel's Lugawan.

*KRUUUUU*

Napahawak ako sa tiyan ko. Shocks, nagwawala na mga alaga ko.

30mins ng late si Pogi ah? Nasaan na ba yun?

"Sexy!" napatingin ako sa sumigaw at nakita ko nga si Pogi na tumatakbo palapit sa kinatatayuan ko.

Napansin ko namang pinagtitinginan kami at may mga nagbubulungan.

Hmp.

Dami talagang mosang dito sa H.U. ma-suggest nga kay Hell na patalsikin yung mga mosang na istudyante dito.

"Sorry, kanina ka pa ba dito?" sabi niya sakin sabay halik sa pisngi ko.

Lalo naman dumami ang mga chismosa.

"ANONG TINITINGIN-TINGIN NIYO!? DUKUTIN KO MGA EYEBALLS NIYO!" sigaw ko sa mga mosang.

Pfft. Ginaya ko lang yung dialogue ni Ada nung isang araw kay Blue. Epic ng reaksiyon niya eh! Haha.

"Halika na nga," sabay akbay sakin at giya sa paglalakad. "Ginaya mo lang yung sinabi ni Ada kay Asul eh." sabi niya pa.

Pfft. Napansin niya pala.

"Uy, kaya kong gawin yun ah! Gusto mo i-sample ko sayo?" banta ko sakanya pero nagbibiro lang ako.

"Tsh. Edi hindi ko na makikita yang ka-sexy-han mo?" Eh?

Parang bigla namang nag-init yung mukha ko sa sinabi niya.

Siniko ko nga. "Ang corny mo." natatawang sabi ko.

"Aray naman. Napaka-amasona mo talaga." sabi niya habang nakahawak ang isang kamay sa tiyan na siniko ko at ang isa naman ay naka-akbay sakin.

"Libre mo ko one hundred pesos na kwek-kwek ah!" sabi ko nung malapit na kami sa kariton ni Aling taba.

"Ang dami naman? Saan mo ba nilalagay yung kinakain mo?" tanong niya.

"May reklamo ka, Kobe Scott?" balik tanong ko sakanya at tinaasan pa siya ng kilay.

Ngumiti naman siya ng alanganin. "Wala. Sabi ko nga, gusto mo two hundred na?" alok niya.

Para namang nagningning ang mga mata ko sa narinig.

"SURE!" sabi ko tsaka tumakbo sa kariton ni Aling Taba.

Pagtingin ko kay Kobe nangangamot ito ng ulo.

Ka-turn off naman 'to! May kuto pa yata! Eew.

"Oh, Miss Beautiful, long time no look ah!" bati sakin ni Aling Taba.

"Hi po, two hundred pesos po na kwek-kwek, Aling Taba." sabi ko sakanya at mukhang natuwa naman siya sa narinig.

"Ang dami nito ah, mukhang magpu-foodtrip kayo ng mga kaibigan mo." komento ni Aling Taba habang binabalot ang order ko. Natatakam na talaga ko!

"Ah, hindi po, akin lang po yan." sabi ko habang pinagmamasdan yung kwek-kwek na binabalot niya. Napatingin naman ako sa mukha niya dahil um-stop siya sa paglalagay ng kwek-kwek sa supot. "Ah, ano pong problema, Aling Taba?" nagtatakang tanong ko dahil parang hindi makapaniwala yung reaksyon ng mukha niya.

Finding Queen SatanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon