[43] Second to the last chapter

2.2K 71 2
                                    

Chapter Forty-Three: Second to the last chapter



THIRD PERSON


Napangisi si Rafael nang makita sa bintana ang unica hija nang kinamumuhiang si Enrique Anderson, si Angelique Denise Anderson. Kasama pa ang bastardo niya kapatid na si Alexander.

"Dudurugin ko kayong lahat!" sigaw niya nang makita na kasunod ng dalawa ang iba pa nitong kasamahan.

Nakarinig siya nang putukan sa kagubatang bahagi ng mansion kaya agad siyang lumapit doon para alamin kung anong nangyayari doon.

Halos mag-apoy sa galit ang nawawala na yata sa sariling si Rafael.

Kitang-kita niya mula dito ang isa-isang pagkabagsak nang kanyang mga tauhan sa pangunguna ng panganay na Davis. Aya Davis.

May kinuhang kung ano si Rafael sa drawer nang kanyang table.

Isa itong remote control pero hindi natin alam kung saan niya gagamitin ang bagay na iyon.

"Yamamura, pumunta ka sa sikretong kulungan. Naroon sina Hellminton para iligtas ang mga bihag. Wag kang papalpak. Ubusin sila."

["Copy, Boss."]

Hindi papayag ang isang naghihiganting katulad ni Rafael na matalo sa labang ito.

Hindi niya mapapayagang mabuhay nang masaya si Ada Anderson at ang bastardong Kapatid nang magkasama.

Kung kinakailangan, isasama niya ito sa impyerno at doon niya paulit-ulit na papahirapan.

Ipaparamdam niya ang paghihirap ng isang katulad niya na nasira ang lahat ng pangarap dahil sa isang kasalanan.

Hinanda na ni Rafael ang sarili dahil ano mang oras ay darating na ang mga panauhin niya.



Samantalang, nangangapa sa dilim ang grupo nina Winter at Hell sa loob ng sikretong kulungan.

"Ssshhh...." pagpapatahimik ni Winter sa mga kasama.

May naririnig siyang umiiyak.

"May umiiyak..." pabulong na sambit ni Ice.

"Dun... Dun ko naririnig..." turo ni Hell sa pinakadulong bahagi ng kulungan.

Mayamaya lang ay naririnig na nila ang malinaw na iyak ng babae.

"S-sinong n-nandiyan???" nakahinga sila ng maluwag ng mabosesan ito.

"Mandy???" tawag dito ni Hansel.

"H-hansel, b-baby, ikaw ba yan???"

"Yes, its me."

"M-mga t-tol, n-nasa b-bandang gilid a-ang s-switch. K-kapain niyo." boses yun ni Stone.

Sa boses pa lamang nito mahahalata mo nang pinahirapan ito nang husto.

Agad na kinapa ng mga Dark Hoodlum ang switch at mayamaya nga lang lumiwanag na ang palagid.

Halos ikalambot nang mga tuhod nila ng makita ang sinapit ng mga ito.

Halatang tinorture ang mga ito. Sina Mandy at Clow ay walang pang-itaas na damit tanging bra na panloob lamang ang suot ng mga ito.

Walang malay sina Manang at Clow, si Mandy naman ay namumugto ang mata sa kakaiyak.

Hinubad ni Hansel ang suot niyang jacket at isinuot sa babaeng mahal.

Ganon din ang ginawa ni Kerson, isinuot niya kay Clow ang jacket na suot. Walang ibig sabihin. Nakakaawa kasi talaga ang itsura nito.

Agad na silang kinalagan at inakay patayo.

Finding Queen SatanaWhere stories live. Discover now