[26] Kilabot

2.9K 100 4
                                    

Chapter Twenty-Six: Kilabot



Ada's PoV

Pagkatapos nang pag-uusap namin ni Kalbo ay agad akong pumunta dito sa Arena at pinatawag sakanya lahat ng Gangster na kasapi ng PGC.

Gusto kong harapin ngayon silang lahat.

Bago man o datihan.

Traydor man o tapat.

Dapat makilala nila kung sino ang binabangga nila.

Habang hinihintay ko ang pagdating nila ay kasalukuyan akong nakaupo dito sa gitna ng ring at nag-iisip.

Nasa paligid ko naman yung tatlo.

"Are you sure,'Tana, na kaya mo nang lumaban? Parang kagigising mo lang kanina ah." pang-apat na beses ng tanong yan sakin ni Sky.

Tinignan ko siya ng masama. "Gusto mo ba patunayan ko sayong kaya ko?" nanlaki naman ang mata niya sa sinabi ko.

"S-sabi ko nga kaya mo..." sabi nito tsaka umalis sa harap ko.

"Hindi mo masisisi si Sky kung paulit-ulit siya sa pagtatanong. Matagal ka ding nawala sa mundong to." sabi ni Winter na kakasara lang ng librong binabasa niya.

"Tsh." yan lang ang nasabi ko.

Tumayo ito at nag-stretching tsaka lumapit sakin.

"Pagbibigyan ka namin ngayong araw na 'to. Ilabas mo lahat ng hinanakit mo. Basta kapag sobra kana," dumukot ito sa bulsa ng itim na cardigan at ipinakita sakin ang hawak. "Itong red needles ko ang magpapatahimik sayo." sabi nito tsaka tumalikod at naglakad pababa ng ring.

Nakita ko pang tinawag niya sina Sky at Rain.

Napa-smirk nalang ako sa sinabi niya.

Siguradong gagawin niya ang sinabi niya.

Wala na akong pakeelam dun basta makapag-papawis man lang ako.

Dumarami na ang mga kulugong gangsters dito sa loob.

Bago ako tumayo ay dinampot ko muna ang mikroponong nasa sahig nang ring.

"MAS MARAMI NA YATA NGAYON KESA NOON AH." sabi ko na ikinagulat ng lahat ng narito kaya napatingin sila sakin. "KAMUSTA???" binigyan ko sila nang malademonyong ngiti.

"QUEEN SATANA!?" napatingin ako sa sumigaw.

Si Dark lord ng Dark Hoodlum. Tinanguan ko lamang siya.

Nagsimula na din ang bulung-bulungan sa buong arena.

Ghaad. Gangsters ba talaga sila o paparazzi? Tsk.

"BALITA KO, MAY PALIGSAHAN ANG PGC NA HANAPIN AKO." panimula ko kaya tumahimim sila. "NGAYON, NARITO NA AKO. GUSTO KONG MAKALABAN NG SABAY-SABAY YUNG MGA TAONG MAY TIWALA SA SARILI NILANG MATATALO AKO." seryosong anunsiyo ko.

Halata naman ang pagkabigla sa mga mukha nila.

Nahagip ng mata ko si kutong lupa. Tsk.

Talagang pumunta pa siya ah.

Nakipagtagisan lang ako ng titig sakanya.

Mukha siyang natataeng ewan sa itsura niya anong problema niyan?

Inalis ko na ang tingin ko sakanya at baka mawala nanaman ako sa sarili ko.

Hinagis ko kung saan yung mic tsaka hinubad tong lether jacket ko.

Napansin ko naman ang pagsinghap ng mga kulugo sa baba.

Anong problema kung naka-sports bra lang ako?

Finding Queen SatanaWhere stories live. Discover now