[9] The Who?

3.7K 99 14
                                    

A/N: Dedicated to sehun_35

Chapter Nine: The Who?









Kerson's PoV

Kanina ko pa pinapanuod tong si Kit Davis sa pagkain.

Langya, ibang klase din ang isang to eh.

Kababaing tao parang construction worker kung kumain.

Kain pa ba tawag diyan?

Parang maniniwala na yata ako kay Kobe na Tomboy ang isang to eh.

Atsaka, hindi pa ba siya busog?

Mag-iisang oras na siyang kumakain at mag-iisang oras ko na din siyang inaantay matapos.

Kung inaakala niyong mabagal lang siya kumaen pwede nagkakamali kayo.

Pang-limang construction worker nga yata yung in-order niya eh.

Ang takaw.

Inayos na niya ang kutsara't tinidor niya sa plato hudyat na tapos na siyang kumaen.

Ngayon ko lang siya nakitang uminom ng tubig.

Pagkatapos ay pinunasan niya na ang bibig niya at tumawag ng staff dito sa canteen para kuhain ang mga pinagkainan niya.

Pagkaalis na pagkaalis nung lalaking kumuha ng mga pinagkainan niya ay hinarap na niya ako.

"Una, liliwanagin kong hindi ako tomboy." medyo nagulat ako sa sinabi niya. "Pangalawa, pagkain ang first love ko kaya wala kang pakeelam kung isang katutak ang kainin ko dahil hindi naman ikaw ang magbabayad ng kinain ko." mind reader ba siya? "And lastly, hindi ako mind reader." napaayos naman ako ng upo sa sinabi niya at tumikhim.

Ibang klase nga talaga ang miyembro ng Four Muses sa isip isip ko.

"Diretsuhin mo nga ako Hellminton, anong kailangan mo sa pinsan ko at buntot ka ng buntot sakanya?" may halong pagkainis na sabi niya sakin.

Nag-cross arms ako bago sumagot.

"Gusto ko siya." maikling sagot ko.

Napa-tawa naman siya, a sarcatic laugh I guess.

"Niloloko mo ba ako, Hellminton? Bago mo palang kakilala ang Pinsan ko. Hindi mo pa nga siya kilalang-kilala eh." inis na sabi niya.

Marahil ngayon ko nga lang siya nakilala pero matagal ko na siyang sinusundan at hinahangaan.

"Kahit ano pang sabihin mo hindi mo ako mapipigilan sa panliligaw sakanya." sabi ko sakanya na ikinalaki nang mata niya.

Siguro hindi pa niya alam.

Pinanlisikan naman niya ako ng mata niya.

"Ginagawa mo ba to para mahawakan mo ako sa leeg? Pwes, ngayon palang sinasabi ko sayong hinding-hindi mangyayari yon." matapang na sabi niya.

And this time ako naman yung napatawa in a sarcatic tone.

"Pwede ba. Kaya kong matunton si Satana sa sarili kong sikap." sabi ko sakanya.

Sumandal siya sa kinauupuan niya at mataman lang na tumingin sakin.

"Sabihin mo nga sakin, bakit niyo hinahanap si Satana?" tanong niya sakin.

Tsk.

"PARA PATUNAYAN NA HELL'S HOOD NA ANG PINAKA-MALAKAS NGAYON SA GANGSTER WORLD." madiing sabi ko sakanya.

Finding Queen SatanaWhere stories live. Discover now