[32] Wild Dragons

2.7K 100 4
                                    

Chapter Thirty-Two: Wild Dragons

Third Person's PoV

Humahangos na tumatakbong paika-ika si Stone.

Kailangan niyang makatakas dahil nasisiguro niyang papatayin siya ni Hell oras na maabutan siya nito.

Dahil sa sobrang kapaguran ay bigla nalang siyang napahandusay sa lupa.

Pagod na pagod na siya.

Kailangan niyang matakasan ang mga ito para mailigtas ang kapatid na babae.

Nagulat si Stone nung may humintong itim na sasakyan sa harapan niya.

Paatras siyang gumapang.

Nilamon na siya ng takot.

May bumabang apat na naka-maskarang lalaki.

"Sino sila?"

"Stone." napakunot ang noo niya ng tawagin siya ng isa sa mga ito.

Pamilyar sakanya ang boses nito pero hindi niya mapagtanto kung sino ang may-ari nito.

"S-sino ka?" nauutal na tanong niya habang sapo ng isang kamay ang nagdurugong sugat.

Ngumisi ang lalaki tsaka tinanggal ang maskara nito.

Nanlalaki ang mata ni Stone ng makilala ang lalaking nasa harap niya.

"J-juno Yamamura???" bulalas niya.

"Ako nga." nakangiting kompirma nito. "Its seems, you badly needs my help? Don't you?" naupo pa ito sa harap niya. Yung pwestong nakatukod lang ang mga paa at hindi sumasayad ang pwet.

Napayuko si Stone. Tsaka huminga ng malalim at tumingin muli kay Juno na may galit sa mata. "Hawak ni Satana at Hell ang kapatid ko!" sabi niya dito.

"Alam ko." sabi nito na ikinalaki ng mata niya. "Matagal na kaming nagmamanman sakanila at nakita ko din ang nangyari kanina." lalong nanlaki ang mata ni Stone. "Gusto mo bang tulungan kita?" tanong nitong muli sakanya. Agad siyang tumango kaya napangisi ito. "Sa isang kondisyon." sabi nito.

"A-ano? K-kahit ano." sabi niya agad dito.

"Makikipagtulungan ka samin para sa ganon mapabagsak natin sina Satana, Four Muses at ang gang ni Hell. Para makuha din natin ang kapatid mo sakanila." paliwanag nito.

Napatiim-bagang si Stone at napakuyom ng kamao. "Pumapayag ako. Makikipagtulungan ako sayo." matapang na sabi niya.

Tumango-tango ito bago sumenyas sa mga kasamahan nito na alalayan si Stone pasakay sa kotse.

Dinala siya ni Juno Yamamura sa isang napakalaking mansion sa gitna ng gubat.

Nakakaramdam siya ng kaba pero pinilit niyang umakto ng normal.

Kasalukuyan silang nasa salas at ginagamot ng isang tauhan ni Juno ang tama ng bala sa kanyang hita.

"BOSS." sabi ni Juno pagkatayo nung makita ang kanyang Boss na pababa ng hagdan.

Nagtataka naman si Stone sa itinawag dito ni Juno.

Hindi pa niya nakikita ang mukha ng Boss dahil nakatalikod siya sa hagdan.

"Sinong kasama mo?" maawtoridad na tanong nito.

Huminto ang gumagamot kay Stone at tumayo tsaka yumuko. Maging ang ibang tauhan ay ganun din ang ginawa.

Naglakad papunta sa pang-isahang sofa na katapat ni Stone ang Boss at naupo.

Sa wakas, nakita niya din ang mukha ng Boss na sinasabi ni Juno.

Finding Queen SatanaWhere stories live. Discover now