[5] Confirmed

4.1K 126 3
                                    

Chapter Five: Confirmed.












Ada's PoV

MONDAY.

"Oy, mamaya sa cafeteria ah. Kitakits nalang, Got to go na may meeting pa kami ng team. Bye!" si Kit yan sabay takbo palayo samin.

Nandito na kami ngayon sa parking lot ng Campus.

"See you later nalang." sabay beso samin ni Aya at naglakad na din palayo.

Naglakad na din kami ni Yumi.

"Oh pano, Ada, kita nalang sa mata mamaya, pfft." -Yumi.

"Hahaha, oo naman. Bye!"

Humiwalay na din siya sakin at pumasok sa kabilang building na katabi nitong building ng course ko.

Tahimik lang akong naglalakad.

Pansin ko pa din hanggang ngayon na tumitingin at pinagbubulungan pa din ako ng mga students na nadadaanan ko.

Bumuntong hininga nalang ako at payukong naglakad.

Nung nasa floor na ako ng seniors ganun pa din. Tsh.

Dati hindi sila ganyan. Parang hangin lang ako sa kanila. I told you, Miss Nobody ako dito.

"Angel?"

Napatingala ako sa tumawag sakin.

Nagulat ako nung makita ko kung sino siya. Err, eh siya lang naman siguro tatawag sakin ng Angel eh.

"K-kerson?" d4rn. Nauutal nanaman ako.

"Oh, Hi! Kamusta kana?" nakangiting sabi niya sakin.

Parang mga bubuyog naman yung mga istudyante sa paligid namin, ngabubulungan nanaman. Tsh, mga mosang talaga. (A/N: Mosang means Chismosa)

"O-okay lang naman." nakangiting pilit na sabi ko sakanya.

Err. Sabi pa naman nina Aya iwasan ko siya. Akalain ko ba naman na makakasalubong ko siya dito. So meaning, same kami ng course?

"Dude, di mo ba kami ipapakilala kay Miss Beautiful?" sabi nung lalaking may kulay ang buhok.

Sila yung kasama niya noon sa canteen.

"Tsk." -Kerson

"Hi, Miss, Ako nga pala si Lawrence, ito naman sina Ethan at Kobe. Nice to meet you." -kinamayan nila ako isa-isa.

Yung Ethan, siya siguro yung sinasabi ni Yumi na umepal daw sa kanya sa library. Nakasalamin din kasi siya eh. Mukhang matalino din ang isang to. So kapag nakasalamin matalino na agad? Ano ka ba naman, Ada.

Yung Lawrence yung may kulay ang buhok, mukhang babaero ang isang to, panay kasi ang kindat niya dun sa mga babaeng student sa paligid namin. Tilian tuloy ng tilian.

Tapos ito namang si Kobe may hikaw sa isang tenga. Mukhang bolero naman ang isang to at may pagka-manyak, Err. Sinisipulan niya kasi yung mga girls na may maiikling skirt.

Sino kaya sa kanila yung Ex ni Aya at yung nambastos kay Kit?

"Nice to meet you, Angel." nakangiting sabi nung Kobe.

Di talaga ako sanay na tawaging Angel. I dont think kasi kung mukha akong Anghel.

"Shut up, Kobe, I should be the one who calls her Angel." nakasimangot na sabi ni Kerson.

Parang medyo nag-init din yung magkabilaang pisngi ko sa sinabi niya. Napayuko tuloy ako.

"Eh anong itatawag namin sakanya?" tanong naman ni Ethan.

Finding Queen SatanaWhere stories live. Discover now