[28] The coldest season and the frozen water

3.2K 80 5
                                    

Chapter Twenty-Eight: The coldest season and the frozen water.

A/N:

Bigyan ko lang ng pansin ang WinterIce. The coldest season and the frozen water loveteam. Sana magustuhan niyo!😘
Enjoy reading.

©Grasharap❤



Yumi's PoV

"Ehem" itinaas ko ang tingin ko sa echoserong frog na 'to.

"What do you want?" taas kilay kong tanong sakanya.

Ngumiti naman siya ng wagas tsaka naupo sa tabi ko. "IKAW."

Watda?

Bumalik nalang ako sa pagbabasa nitong librong hawak ko.

Nandito ako ngayon sa library dahil two hours ang vacant time ko at mag-iisang oras palang ako dito.

Papansin talaga 'to kahit kailan eh.

"Tsh. Sungit." narinig ko pang bulong niya na obvious namang pinaparinig sakin.

Umisod ako ng konti, masyado kasi siyang malapit.

Hindi ko alam kung bakit palagi nalang siyang nakabuntot sakin.

Sino pa nga ba?

Si Ethan Park.

Baka akala niyo gusto kong nakabuntot sakin yan.

Gumaan na yung loob ko sakanya mula nung niligtas nila ako sa Wild Dragons na yun pero yung pagbuntot-buntot niya?

Nakakairita kaya! Argh!

Dalawang linggo na mula nung magbalik ang alaala ni Ada.

Pumapasok na din kami, sabi kasi ni Ada bumalik lang daw ang alaala niya sa nakaraan pero hindi nawala yung mga alaalang nangyare sakanya nung may amnesia pa siya.

Kaya tuloy ang pag-aaral.

Magkasundo na din ang Four Muses at Hell's Hood.

Sina Ada at Hellminton mukhang nagkaayos na din.

Kinikibo na kasi ni Ada si Hell. Sabi na hindi matitiis ng demonyitang yun si Hellminton eh.

Mahal ka nga siguro nila ang isa't isa...

Sina Marikit na matakaw naman at si Scott na under de saya, ganun pa din.

Dinaig pa mais sa kakornihan.

Minsan parang gusto ko nalang masuka kapag nakikita silang naghaharutan.

Oy, hindi ako bitter ah!

Tsk.

Sina Maaya na maarte at Barber na babaero naman mukhang nagkakamabutihan nanaman.

Tsk. Kung ako kay Maaya, hindi ko na babalikan yun si Barber.

Once a cheater always a cheater nga daw diba.

Hay nako.

Malalaki na sila kaya alam na nila gagawin nila sa buhay nila.

Ilang ulo na nga napugot nila, ilang katawan yung nabugbog at ilang bungo na ang nabutas nila kaya lakompake sakanila.

"Lalim ng iniisip ah."

Tsh. Panira talaga eh.

"Wala kang magawa?" sarkatikong tanong ko ng hindi sya nililingon.

"Wala bakit may gusto ka bang gawin?" automatic na nilingon ko siya at pinaningkitan ng mata.

"Mag-bigti ka kung wala kang magawa. Tsh!" tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko tsaka naglakad paalis sa library.

Hindi na ako nag-abalang isauli yung librong binabasa ko.

Finding Queen SatanaWhere stories live. Discover now