Chapter 68 - Moved On

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko namalayan na katabi ko na pala si mama at hinawakan ako sa braso. Hindi ko na napigilan at tumulo na ang luha ko. Mahal na mahal ko parin siya. Ang tanga ko kasi eh! Ang tanga tanga ko! Andiyan na siya, pinakawalan ko pa. Pero kung lumaban ba ako, may pupuntahan ang ipinaglalaban ko? Kung hindi ko ba siya iniwan 4 years ago, may pagasa pa ako? Kami? Bakit ba ako nagiisip eh! Alam ko naman ang sagot jan. Ayoko lang na dalawang beses kong maramdaman ang pagreject niya sa akin. Kaya habang maaga palang, umalis na ako. Nasaktan ko siya at alam kong hinding hindi na niya ako mapapatawad. 

At ngayong ko lang narealize. I’ve never moved on. 

Mommy Shi-shi, why cry?” sabi sa akin ni Kristen at hinawakan ang pisngi ko.

Nako Baby. Hindi ako umiiyak. Napuwing lang si mommy. Tara na sa taas. Maglaro na tayo.” Sabi ko ng mahinahon kay Kristen.

Opo, mommy!” sabi niya at yumakap sa akin.

Tumingin ako kay mama kasabay ng pagtulo ng huling patak ng luha na naipon sa mga mata ko. Tumango ako at tumango din siya at ngumiti ng bahagya. 

Ethan… it’s always been you. 

 

Ethan’s POV

 

Kababalik ko lang sa Pilipinas at interview na agad ang sumalubong sa akin. Makapagpahinga na nga lang!

Kinabukasan… 

Argh! Ang init init sa Pilipinas! Naka-aircon na pero wala pa rin. Makalabas na nga lang ng bahay. Magma-mall nalang muna ako at bibili ng damit. Iniwan ko na kasi yung iba kong damit sa states.

Mall…

  

Sir, meron pa po ba kayong gustong bilhin?” Ang kulit ng assistant na to. Nakakainis. Pero hindi ko naman siya masisisi kasi trabaho niya ito. 

Wala na. Ibalik mo nalang lahat itong pinamili ko sa saksakyan at iuwi. Iwan mo muna ako. ” sabi ko. Hesitant naman ang tingin niya sa akin.

O-okay, sir” sabi niya at umalis na.

Bigla namang kumalam ang tiyan ko. Gutom na ako.Makakain na nga lang.  Sa baba. Foodcourt. 

Naglalakad ako ng bigla akong makakita ng isang pamilyar na figure. Natigilan ako.

Shit. It’s her.

Krysh.

Sabi ni Chris sa akin, magantay ako ng tamang panahon. Ngayon na kaya iyon? Panahon na ba para magusap ulit kami? Apat na taon na ang nakakalipas at umaasa parin ako na bumalik kami sa dati dahil siya lang ang babaeng mahal ko. Hinding hindi magbabago yon. Lalapit ba ako para kausapin siya? Pero anong sasabihin ko? Mahal niya pa kaya ako? Apat na taon na rin ang nakakalipas. Paano kapag hindi na? Kailangan kong malaman.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at naglakad ako palapit sa kanya nang bigla ulit akong natigilan. 

 

And my world fell apart.

Mommy Shi-shi! Play! Play! Play!” sabi sa kanya ng isang batang babae na tumakbo papalapit sa kanya. Umupo naman si Krysh at lumevel sa bata.

No, baby. Kakakain mo lang. Later na, okay? ” sabi niya at hinalikan yung bata sa ulo.

Okay, mommy! Come on! Let’s go to daddy! ” sabi ulit nung bata at hinatak si Krysh. Tumayo naman si Krysh at ngumiti.

Okay. Let’s go na to daddy.” Sabi ni Krysh at lumakad na sila palayo.

It’s too late. May pamilya na siya. Nakalimutan na niya talaga ako. Bakit hindi ko alam? Ganun na ba ako ka-busy? Bakit walang nagsabi sa akin? Kasi ayaw nila akong masaktan? Damn it! Dapat sinabi nalang nila ng hindi na ako umasa pa.

Shit! Shit! Shit! Sana noon palang, hinabol ko na siya. Sana noon palang, binalikan ko agad siya. Sana noon palang. Damn it! Ang tanga ko!

 

I need to get out of here.

Kryshll’s POV

Ayy. Wait. Naiihi ako. Teka, makaihi nga muna.

  

Ma, ikaw muna bahala sa apo niyo. Iihi lang ako. Naiihi na ako eh.” Sabi ko at pinahawak si Kristen kay mama.

Saan na ba ang CR dito? Ah! Ayun!

Ang hirap magpigil ng ihi ha. Hahaha. Naghugas na ako ng kamay at lumabas.

Shit. Basa yung kamay ko. Nakalimutan ko ng mag hand dryer. Makuha na nga lang yung panyo sa bag ko. Asan na ba yun? Ah! Ayu-

 

Aww! Shit! Sino ba to- 

At tumigil ang mundo ko.

Ethan” yun na lang ang nasabi ko. 

Dare to Play a Game Called Love? [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon