27: Tampo

666 27 35
                                    

27
Tampo

Monica Point of view.

"AAAAAHHHHHHHHHHHH!!!!"sigaw ko ng biglang bumukas yung pintuan.

Hinintay kong may magsalita sa likod ko pero ilang segundo na ang nakakalipas pero walang maynagsasalita. Dinampot ko ang bathrobe ko sa kama ko at isinuot ito. Lumingon ako sa may pinto. "Bakit kaya bumukas to wala namang tao?" nagtataka kong tanong.


Linapitan ko ito pero ng saktong isasara ko na...lumitaw ang mukha ni Unggoy. Napalunok naman ako ng malipat ang tingin ko sa...katawan...katawan niya,1...lunok...2...lunok...3..."AHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!"


Natigil ako sa pagsigaw ng takpan niya ang bibig ko, gamit ang kamay niya.

"Anyo bang pyoblema myo Pagong? Kaninya kapa sumisyigaw?" tanong habang may toothbrush na nakalagay sa bibig niya.


Tinaasan niya ako ng kilay, na parang sinasabihan ako ng 'magsalita ka, naghihintay ako.' Ilang sengundo siyang ganun bago magsalita ulit.



"What? I'm waiting, my turtle?" malambing niyang pagkakasabi.


Tinaasan ko din siya ng kilay pagkatapos ay itinuro ko ang kamay niyang naka takip sa bibig ko.

"I'm sorry," natatawa niyang sabi pagkatapos niyang tanggalin ang kamay niya.

"Tinatanong mo kung anong problema ko, Unggoy ko?...Hmmmm...tignan mo nga yang sarili mo ngayon," mataray kong sabi sabay turo sa katawan niya. Sa katawan niyang masharap. Omg! Erase! Erase!



Sinunod niya naman ako.


"Tyapos?" naka-smirk niyang tanong.


"Anong tapos? Hindi tama yan Unggoy, kahit sinong babaeng makakita ng ganyan mapapa-hmm-mapapasigaw...talaga. TSAKA IKAW BA YUNG NAGBUKAS NG PINTO KANINA HABANG NAGBIBIHIS AKO?" nahiya ako sa una kong sinabi kaya galit-galit muna ako. Hahaha

Nanlaki naman ang mga singkit niyang mata ng marinig yung sinabi ko.

"Whyaaat? Hindyi ahhh. Nasa banyo kanina nag-totoothbyrush. Oh, ibidinsya. Tsaka tumyakbo lang ako papunta dito ng myarinig ko ang pagsyigaw mo." seryoso niyang paliwanang at sa huli ay nag'promise sign' pa siya.

Para namang nagsasabi siya ng totoo kaya, "O sege mag-toothbrush kana Unggoy, magbibihis lang ako."

"Sege magbihis kana pagong," binulong niya ang kasunod niyang sinabi pero narinig ko naman, "baka kung ano pang magawa ko diyan sa katawan mo..." at kaagad siyang tumakbo pababa.

Dahan-dahan naman akong napatingin sa katawan ko at...jusko...alien of the universe lamunin niyo na ako, now na...hindi ko pala naisara yung bathrobe ko kaya kanina pa pala nakikita ni Unggoy yung...yung katawan ko.



"Manyakis ka talagang Unggoy ka!!!" sigaw ko bago isara ang pintuan.







***
"Sorry na...please...sorry na pagong ko. Mahal? Sege na," kanina pa siya humihingi ng sorry sa akin. Kanina ko pa din siya hindi pinapansin.


Nasa canteen kami ngayon, nakaupo ako habang may hawak na aklat, binubuklat buklat ko ito pero hindi ko naman talaga binabasa.

"Pagong? Pansinin mo na ako. Tsaka makikita ko din naman yang katawan mo pag mag-asawa na tayo, isipin mo nalang napaaga lang."

Tinignan ko siya ng masama pagkatapos ay binatukan ko siya gamit yung aklat na hawak ko.

"Manyakis!!!!" at tumayo ako.

Sumunod naman siya sakin. Binilisan ko din yung lakad ko at ganun din yung ginawa niya.

Hindi naman talaga ako galit sa kanya gusto ko lang na malaman niyang hindi ko gusto yung nangyari kahapon tsaka yung iba niyang sinasabi. Para kahit papaano malaman niyang hindi ko siya minahal para lang sa bagay na iyon. Oo yung bagay na iniisip mo ngayon.


Dahil sa pag-iisip ko hindi ko namalayan na nakalabas na pala ako ng Canteen, napalingon ako sa likod ko ng mapansing wala ng sumusunod sa akin.

Nagpalingon-lingon ako sa paligid pero wala siya dito sa labas ng canteen. Nasaan kaya yung Unggoy na 'yun? Siguro may surprise 'yun sakin. Siguro pakulo niya naman to.

Naglakad ako pabalik ng canteen, doon ko nalang siya hinhintayin baka may pinuntahan lang iyon.

















Lumipas ang limang minuto pero walang Unggoy na dumating.

Kinuha ko yung bag ko at naglakad papuntang banyo. Aayusin ko lang yung sarili ko.




Josh Point of view.

"I love you Josh..." hawak niya ako ngayon sa bewang ko.

Nasa loob kami ng pang babaeng banyo, dito sa canteen. Mabuti nalang at walang pumapasok na estudyante ngayon.

Napatingin ako sa doorknob ng banyo, dahil umikot ito...ibig sabihin may gustong pumasok sa loob. Anong gagawin namin?

***
Sino ang kasama ni Josh sa banyo?
Anong ginagawa nila?
Maabutan ba sila ni Monica?

Vote, Share and Comment

Facebook : Nicson Lucero Estrada
Twitter : @imnicsonWP


Falling Inlove with my Roommate(COMPLETED)Where stories live. Discover now