26 : Omg

837 38 24
                                    

26
Omg


Monica Point of view.

"Ehhhhh!!! A-yo-ko paaaa...ma-a-ga pa!"pagrereklamo ko.

Kanina ko pa kasi nararamdaman na may kumakalabit sa may pisngi ko.

" Ehhhhh! Nakakainis namannn...mamaya na ngaaa!"naiisinis kong sabi at yinakap ko ng mahigpit yung unan ko.

Ilang sengundo ang lumipas at walang may nangangalabit. Nakahinga ako ng maluwag. Hay naku salam——"gising na kasi pagong ko. Ano isa pa?"natatawa niyang tanong sa akin.

Napadilat naman kaagad ako ng maramdaman ng noo ko ang basa-basang labi ng isang tao.

"Unggoy? Bakit ba?" tanong ko habang nkangiti. Gusto ko sanang magseryoso kaso hindi ko mapigilang hindi  panangiti  dahil sa kakulitan ng lalaking to.


"Tatayo ka diyan O kakargahin pa kita?"at nagsmirk siya.



Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap ko sa unan ko. Nakatitig ako sa kanya habang umiling-iling.

" Ahhhh, ayaw mo ha," at ngumiti siya ng nakakaluko, "isa...dalawa..." humahakbang siya palapit sa akin habang nagbibilang.

Mas lumapad yung ngiti niya ng mapansing wala akong balak na tumayo sa kama.

"Ayoko!" matigas kong sabi habang nakayakap padin ng sobrang higpit sa kawawang unan ko.


"Tatlo...apat...li—"naputol siya sa pagbibilang ng bigla akong bumangon at parang bata na nagtatakbo sa loob ng kwarto.



" Nakakainis ka naman eh, sege lumabas kana para makaligo kaagad ako,"sabi ko habang nasa loob ng banyo.


"Ayoko!"seryoso niyang sagot.


" Napakamanyak mo talagang unggoy ka. Segeee naaaa, labas labas Chupi! Chupi!"pang-iinis ko sa kanya.

"Manyak pero...mahal mo naman!" natatawa niyang sabi. Halata sa tono boses niya na iniinis niya ako.



Hindi na ako sumagot pa dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Natali nalang akong tahimik at nakatitig sa pinto. Mayamaya siguro napansin niyang natamihik ako kaya siya na ang unang nagsalita.



"Sege maligo kana pagong lalabas na ako,"at narinig ko nalang ang pagsara ng pinto.






Kaagad akong lumabas ako at kinuha yung mga dapat kung kunin.







***
'Ang bango ko na talaga' bulong ko sa isip ko habang inaamoy-amoy yung kili-kili ko.

Katatatapos ko palang maligo at palabas naaako ngayon ng banyo. Inilagay ko sa buhok ko yung tuwalya. Sinuot ko din yung bathrobe ko.






'Lalalalalalala ang sarap maging fresh... Ohhhhhhhh...fressshhh na akooooo...amuyin mo paaaaaa lalalala' pakanta kanta pa ako habang nagbibihis.




Hinubad ko na yung bathrobe ko at nakabra at underwear nalang ako ngayon ,naghahanap ako ng damit na susuotin ko ng biglang... bu-mukas yung...yung...yung...pintoan ng kwarto ko " AHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!"napasigaw ako sa bigla!





Anong mangyayari ngayon sa kanila?

Vote ,comment, share!




Falling Inlove with my Roommate(COMPLETED)Where stories live. Discover now