19 : Bulong

1K 73 15
                                    

19
Bulong

A/N
I'm back!
Vote ,comment ,share!
Enjoy Reading...

——

Josh Point of view.

"Pagong bumangon ka na diyan ,mag aalas utso na oh." tawag ko ulit kay pagong habang inaayos ko ang butunis ng uniform ko.

Ilang beses ko na siya tinawag pero parang hindi niya lang ako naririnig.

Nakaligo na ako ,nakapag-tootbrush ,nakapag-uniform pero hindi pa din siya bumabangon.

"Pagong naman malalate na tayo sa first subject natin bumangon kana diyan." tawag ko ulit sa kanya.

"Ma-mauna ka na-nalang ung-unggoy. Su-susunod nalang a-ako..." pautal-utal niyang sagot habang yinayakap ng mahigpit ang unan na nasa tabi niya.

Umupo ako sa kama niya ,at nagsuot ng sapatos.

"Hintayin nalang kita ,sege na bumangon kana diyan."dagdag ko.

Hindi siya sumagot.

Kaya ang ginawa ko.

Kinuha ko yung kumot niya pagkatapos ay hinawakan ko siya sa mga kamay niya at pwersahan ko siyang hinila paupo.

Nakaupo na siya pero hindi pa din siya dumidilat. Kaya hinawakan ko yung mga mata niya at pinilit siyang dumilat.

Hinawakan niya naman yung kamay ko,

Ang init niya. Literal na mainit.

Bigla kong hinawakan yung noo niya. At sobrang init nga niya.

"May lagnat ka pagong!"
"Hin-hindi a-ayos lang a-ako ung-unggoy. Se-sege pu-pumasok kana."

Monica Point of view.

Biglang tumakbo palabas ng kwarto si unggoy. Siguro papasok na siya sa school.

Kaya pinilit kong tumayo para pumunta sa banyo. Papasok ako ngayon.

Pero ang bigat sa katawan. Gusto kong mahiga, matulog.

Humakbang ako.

Ang bigat ng mga mata ko.

Humakbang ulit ako.

Pero biglang nanlambot ang mga paa ko hanggang sa nararamdaman ko nalang ang mabagal na pagbagsak ng katawan ko.

🎶Matagal-tagal ding nawalan ng gana 
Pinagmamasdan ang dumaraan
Lagi nalang matigas ang loob 
Sabik na may maramdaman🎶

Napapikit ako.

Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng kwarto at maya-maya bumagsak na ako ,bumgsak sa mga braso niya.

🎶Di kaman bago sa paningin palihim kang nasa yakap kot lambing
Sa bawat pagtago di mapigilan ang bigkas ng damdamin🎶

"Siguro ito yung papel  ko sa buhay mo. Ang tagasalo sayo sa bawat pagbagsak mo." Nakangiti niyang wika pero halata sa mga mata niya ang pag-aalala.

Binuhat niya ako papunta sa kama ko. Nilagyan niya ng basang towel ang noo ko.

Bumigat ang mga mata ko at inaantok ako. Pero bago ako tuluyang mawalan ng malay , narinig kong bumulong si unggoy "Magpagaling ka pagong ,mamahalin pa kita."


Authors Note

May nagbabasa paba? Comment And vote!

Falling Inlove with my Roommate(COMPLETED)Where stories live. Discover now