Chapter Eight : Golden Students

1.4K 80 14
                                    

Chapter Eight
Golden Students

Monica Point of view.

Ilang minuto muna kaming magkayakap ng hindi ko kilalang lalaki bago ko mapansin na pinapalibutan na pala kami ng napakaraming estudyante.

Pinunasan ko ang mga luha ko at humiwalay na sa kanya.

"Salamat tsaka sorry" nahihiya kong sabi sa kanya. Nakangiti lang siya sa akin kaya pansin na pansin ko ang mga maliliit at singkit niyang mga mata.

"No worries baby girl" at nagwink siya sakin.

"Kyaaaaahhhhh ang cute talaga ni Fafa Harry Kyaaaaahhh"

"Girl na wink siya sakin Kyaaaahhhhhhhh"

"Omg! Omg! Ngayon ko lang siya nakitang nagwink ,sobrang cute niya Kyaaaaaahhhhhh"

"But who's that ugly slut girl?"

"Bakit kasama niya ang baby natin?"

rinig kong tilian at bulongan ng mga babaeng estudyante sa paligid namin.

Bigla akong nahiya!

"I'm sorry dahil naisturbo ang pag-emote dahil sa mga Fan ko." paghingi niya ng paumanhin.

Pero anong sinabi niya fan? Among ibig niyang sabihin?

"Kung ayos lang sayo mamaya pagkatapos ng klase ,kita tayo sa may plaza ,may pupuntahan tayo mmm huwag kang mag-alala hindi ako masamang tao." nagsmile siya sakin. Ang cute niya.

"I'm Harry Yun" dagdag niya sabay abot ng kamay niya.

Tinaggap ko ito "Pag-iisipan ko ,sasabihan nalang kita before lunch ant I'm Monica Perez."

"OMG andito ang Golden Royalties ,"

"Wow ang ganda ni Golden Queen Alexa"

"Kyaaaaahhhh I love you Golden King Josh" napalingon ako sa likuran ko.

Nakita kong naglalakad palapit sa amin ang ang dalawang tao. Its Josh and the girl with him in the sc.

Masama ang tingin sakin ng unggoy na ito ,nakalagay sa bulsa niya ang mga kamay niya. Napatingin naman naman ako sa babaeng nakapulupot ang kamay sa braso ni unggoy.

Maganda siya pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya. Nakataas ang kilay niyang tinignan ako mula ulo hanggang paa.

Aba! Aba! Hindi ko nga siya makakasundo. "Hey Harry! Who is she? Your new toy?" nakaturo ang kamay ng babaeng mistisa na ito sa akin habang tumatawa.

"Alexa your words! And she's my new friend Monica."

"New friend? Himala. Nakikipag-kaibigan kana pala sa isang-" tinignan niya ulit ako

"probinsyanang pangit!" at tumawa siya.

"Alexa Stop or else..." Seryosong sigaw ni Josh. Nakita ko namang tinikom ng hilaw na ito ang namumula niyang nguso. Buti nga sa kanya!

"Wow kumpleto ha! Anong meron?" napatingin ang bagong dating na lalaki sa akin

"Oh hi pretty girl ,nagkita ulit tayo! We're destiny!" at nagwink din siya sa akin.

"Kyaaaahhhhh Kumpleto ang GOLDEN STUDENTS NGAYON!Kyaaaaaahhhh"

Pagkatapos ng sigaw na iyon ay biglang nahati sa apat na grupo ang napakaraming estudyante.

" Let's talk!" seryosong sambit ni unggoy. "Ayaw" sagot ko
"Bakit?"
"Ayaw"
"Pagong wag mo akong galitin!"
"Di kita ginagalit unggoy!"
"Pagong!!!" pataas ang boses niya.
"Unggoy!"
Naglakad siya palapit ko.
"Huwag kang umatras Pagong!"
"Huwag kang lumapit unggoy!"

"Mmmm. Nangangamoy love team ha." Singit ng lalaking nagpasakay sakin ng kotse.

Tinignan namin siya pareho ni unggoy.

"Okay Hindi na! Masyado naman kayong seryoso!" natatawa niyang sabi habang nakataas ang mga kamay na parang sumusuko sa pulis.

"Huwag mo kasing pilitin Josh ,baka ayaw niya talaga." Cool namang wika ng chinitong yumakap sakin.

"Ang arte kasi ,akala mo maganda!" bulong ng hilaw na babaeng ito ,may pabulong-bulong pang nalalaman pa rinig naman ng lahat. Tanga din tong babaeng to eh.

Atras ako ng atras ,lapit naman siya ng lapit.

"Ano bang gusto mong pag-usapan?" naiinis ko ng tanong sa kanya.

"Mamayang uwian hihintayin kita sa parking lot ,may pupuntahan tayo!" seryoso niyang paliwanag. Napalingon ako kay Harry na nakatingin din sa amin.

Aatras na ulit sana ako pero nasa pader na pala ako.

"Wala ka ng takas pagong! Ano pupunta ka mamaya o pupunta ka?" Hindi ako nagsalita. Tumingin ulit ako kay Harry...

Pero hinawakan ng unggoy ang mukha ko at pinalingon/harap sa kanya.

Ano bang-isasagot ko? Oo pero paano ang new friend ko-si Harry? Pero kung hindi paano naman tong unggoy na to baka palayasin ako sa bahay nila? Ang hirap!

Lumapit ang ulo ng unggoy na ito sa mukha ko palapit ng palapit mga 1 inch nalang ang destansya ng bumulong siya

"Huwag mong ipapahiya ang Golden King ng Golden School kung ayaw mong ipakuyog kita sa mga fans ko. And besides ilan sa mga tao dito alam girlfriend kita kaya pwede kitang halikan dito anumang oras." at ngumiti siya ng nakakaloko.

Falling Inlove with my Roommate(COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ