18 : Ang Pagbabalik

1.2K 74 10
                                    

18
Ang Pagbabalik


Authors Note :
Ang Pagbabalik ko.HAHAHA Namiss ko kayong lahat💕

E N J O Y R E A D I N G!

*****

Monica Point of view.


"Good morning pagong ko."
Naramdaman ko ang pagpulupot ng mga braso niya sa bewang ko at ang pagtama din ng baba niya sa balikat ko.

Dahil hindi uso sa'kin ang kasabihang magbiro kana sa lasing wag lang sa bagong gising ,kaya seryoso akong nagtanong sa kanya.

"Pagong ko? Bakit sayo naba ako?"

"Oo ,diba nga sakin kana pagong at tsaka unggoy mo na ako." At mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap niya sa bewang ko.

"Wala akong maalalang ganun. Ikaw talaga Joshua," Seryoso ko namang pagkakasabi habang pinapatay ang kalan na pinaglulutuan ko kanina ng itlog.

Bigla niyang tinanggal ang mga braso niya sa bewang ko at parang bata na naglakad papuntang mesa.

"Dali kain na tayo wag kanang mag-inarte diyan," nanatili padin akong seryoso habang nilalapag sa lamesa yung mainit-init na itlog na niluto ko.

Sekreto ko siyang tinitignan habang paupo sa upuang nasa harapan niya.

"Ayaw." Nakasimangot na sagot niya

"Wag kanang mag-inarte diyan Joshua hindi bagay sayo!" seryoso pa din ako.

Hahahaha. Mapaglaruan nga tong unggoy na to.

"Ayaw ko. Ayaw!." nakasimangot pa din siya.

"Ay Ewan ko sayo basta ako kakain na ako. Para makapasok kaagad ako sa school at makita ko na si Timothy.Kyaaahhh kinikilig ako sa kanya"at nagsimula na akong sumubo.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na tinignan ako ng masama ni unggoy. Hahahaha

" Anong sinabi mo pagong???? Aba! Aba! Tignan mo bubugbugin ko talaga yung lalaking 'yun pag makita kong lumapit siya sayo o pag nilapitan mo siya." at tumayo siya.

Falling Inlove with my Roommate(COMPLETED)Where stories live. Discover now